PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Female personality ayaw ng may katulad ang ipinatatayong bahay

Pinagpipistahan sa mundo ng mga negosyante ang kasosyalan ng isang pamosong female personality. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa trabaho ay siya pala mismo ang namamahala sa pagbili ng mga materyales sa ipinatatayo niyang bahay.

Napaka-hands on kuno ng magandang aktres, hindi niya ipinauubaya sa kanyang designer ang pagpili sa mga gusto niyang makita at mangyari sa kanyang bahay, siya mismo ang nakikipag-usap sa mga suppliers.

Sabi ng isang source, “Kapag dumarating siya sa office ng supplier, e, napakarami niyang dalang catalogue. Kapag bumibiyahe pala siya sa iba-ibang bansa, e, talagang namimili siya ng mga magazines, libro at kung anu-ano pang materials para sa pangarap niyang home and garden.

“Dala-dala niya ‘yun kapag nakikipag-meeting siya, ‘yun ang reference niya, ‘yun ang ipinahahanap niya sa mga suppliers na kinakausap niya. ‘Yun ang reason kung bakit napakatagal gawin ng house niya.

“Ayaw niya sa mga ordinary designs lang, kailangang siya lang ang meron, ayaw niyang may makatulad ang mga pinipili niyang designs,” kuwento ng impormante.

Kung kasosyalan daw ang pag-uusapan ay walang kakabog sa magandang aktres, ka-level daw niya sa pagiging sosi ang mga multi-milyonaryong nagpapagawa ng mansiyon, kaya tutol ang mga impormante sa kuwento na ginagaya lang niya ang isang female personality sa kanyang mga isinusuot.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Kung sa mga materials nga ng bahay niya, e, ganyan na siya katindi, paano pa sa mga personal stuff niya? Unique ang gusto ni ____(pangalan ng babaeng pesonalidad na sosyal na sosyal), ‘yung walang katulad, kaya siguradong siya ang ginagaya at hindi siya ang nanggagaya lang!

“Hindi baleng maghintay siya nang matagal na panahon, hindi bale nang hindi masunod ang schedule ng paggawa ng house niya, basta masunod lang ang mga designs na ipinahahanap niya sa mga suppliers.

“Aysus, sa CR pa lang niya, grabe na! Presyo na ng isang bahay ‘yun, samantalang banyo pa lang niya ‘yun, ha? Ganu’n siya kasosyal, ganu’n siya kabusisi, kaya nagtatagal ang paggawa ng house niya.

“Ganu’n kapag personalized ang ginagawa ng nagpapatayo ng house, ganu’n talaga kapag hands on, nasa heart niya ang lahat-lahat. Kung ano ang gusto niya, ‘yun ang dapat masunod,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Aljur walang planong  harapin si Robin!

Masarap maging tatay si Robin Padilla. Kahit ano pa ang mangyayari sa kanyang mga anak ay hinding-hindi siya magpapabaya. Hindi niya iiwan sa gitna ng laban ang kanyang kadugo.

Kung sa ibang ama lang nangyari ang pinagdaanan ni Kylie Padilla na kung kailan pa nasa rurok ang kanyang career ay saka ito nagdalantao ay siguradong magkakaproblema ang aktres.

Idagdag pa na mula nu’ng umpisa pa lang ay hindi na gusto ni Robin si Aljur Abrenica, dagdag na bigat ‘yun para kay Kylie, pero nagpakita ng pagkaama si Robin sa kanyang anak.

Ang kanyang katwiran kasi ay sino pa ba naman ang unang-unang dapat sumuporta sa anak, ‘di ba’t ang mismong magulang nito, kaya hindi na nahirapan si Kylie na ipagtapat kay Robin ang kanyang kundisyon.

At naghihintay na lang siya ngayon para makarga na niya ang anak ni Kylie, sabik na siyang makita ang kanyang apo, halos magkakasabay ng paglaki ang kanilang anak ni Mariel Rodriguez at ang anak ni Kylie.

‘Yun ang maganda sa pamilya Padilla. Wala silang iwanan. Kahit nu’ng maglantad na ng kanyang tunay na kasarian si Rustom Padilla ay ang pamilya rin ang unang-unang nagpakita ng malasakit kay BB Gandanghari na ngayon.

Sa una lang sila nagtatanong, sa umpisa lang sila tinatamaan ng depresyon sa pangyayari, pero sila pa rin ang unang pinaghugutan ng suporta ni Rustom sa kanyang paglaladlad.

Sa kanyang mga interview ay hindi pa rin binabanggit ni Robin ang pangalan ni Aljur. Ang madalas lang niyang sabihin ay wala nang mas sasarap pa kesa sa makita ang isang lalaki na nakikipag-usap sa ama ng babae para sabihin na hindi dapat mag-alala ang kanyang magulang dahil kung ano ang klase ng pagmamahal na ibinibigay niya sa kanyang anak ay ganu’n din ang ipangangako ng lalaki.

Dahil du’n ay agad nang maiisip ng nakarinig na hanggang ngayon pala ay hindi pa rin personal na nakikipag-usap si Aljur sa mga magulang ni Kylie.

Ganu’n? Ang mga magulang pa ng babae ang pupunta sa kanya? Binabaligtad nga naman ni Aljur Abrenica ang ating kultura.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: