PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis napilitang mamahinga, baka maoperahan

Luis Manzano

 Yari si Luis Manzano. Wala siyang choice kundi mamahinga matapos magkaroon ng fracture ang paa.

Namali raw siya ng hakbang at ayon, nabalian. “Hello Sprain mo-ka!!! Gusto ko sanang sabihin na sprain ako dahil may mga tinulungan ako sa nasusunog na building kaso ang totoo, namali lang ako ng tapak mula sa mataas ng sidewalk,” pagbabahagi niya sa kanyang Instagram account.

Dagdag niya pa, “So yes, I have fractured foot with quite a long hea­ling  time ahead of me with different casts plus chance that surgery might be needed… Oh well….” Pero nagawa pa niyang mag-joke. “Wag kayong mag-aalala, hindi naapektuhan kagwapuhan ko, relax.”

Sagot naman ni Jessy Mendiola. “Kawawa naman love ko,” na malamang ay inaalagaan si Luis.

At least nakapahinga siya. Buti na lang at pahinga muna sa ere ang dalawang shows – Family Feud and Minute to Win It.

Get well soon Luis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Julia Montes

Julia nagkakalat ng aral

Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ang isa sa mga aral na pinahahalagahan ng kabataan, kaya naman patuloy itong ibinibida ng programang Wansapanataym sa halos dalawang dekada.

Ayon kay Rondel Lindayag, ang overall creative head ng palabas, mahalaga ang pagpapakita ng karakter na naghahangad ng maayos na edukasyon para maipamalas ang kahalagahan nito.

“Kung may edukasyon ka, may laban ka sa buhay,” sabi niya.

Bilang storytellers, nakikita rin nila ang kahalagahan ng edukasyon sa pagdalo sa mga seminar upang maging epektibo pa ang kanilang mga kuwento.

“May pinuntahan kaming seminar tungkol sa paghubog ng karakter ng kabataan at natutunan namin na kapag nanonood ng cartoons ang mga bata, hindi sila napapagod panoorin ‘yon kahit pauli-ulit pa. Ginamit namin ‘yun na technique para makapagturo pa ng mahahalagang aral at mabigyan ng bagong anyo ang kada istorya,” saad pa ni Rondel.

Nakatulong din ang kanilang natutunan sa pagtuturo ng mga aral sa mga manonood sa loob at labas ng bansa.

“Nasa 20s na siguro iyong mga batang nanonood ng Wansa noon, kaya dapat ituro naman namin ito sa ibang kabataan ngayon, na ang iba siguro sa kanila, TFC subscribers,” sabi pa ni Rondel.

“Nagbibigay daan ito sa amin upang makapagturo ng Filipino values gaya ng pagmamano at pagsabi ng ‘po’ at ‘opo.’”

Tumatak din ang mga palabas nito at umabot ang tagumpay nito hanggang sa pelikula matapos itong maipalabas sa mga sinehan sa ilalim ng Star Ci­nema noong 1999. Natunghayan sa pelikula ang kuwento ni Anna (Shaina Magdayao), isang ulila na nahanap ang kanyang ama (Christopher de Leon) sa tulong ng kanyang guardian angel na si Barbiel (Serena Dalrymple).

Sa kasalukuyan nitong kuwento na Annika Pintasera na napapanood tuwing Linggo ng hapon at pinagbibidahan ni Julia Montes, tuloy sila sa kanilang misyon.

 Gumaganap si Julia bilang Annika, isang dalagang isinumpa dahil sa pagi­ging mapamintas.

Ngayong Linggo (May 21), patuloy na subaybayan ang kuwento ni Annika dahil mag-uumpisa na niyang tanggapin ang kanyang mga nagawang pagkakamali sa kanyang kapwa. Ngunit patuloy pa rin ang paghahanap niya sa lalaking may busilak ang puso na makakaputol sa sumpa dahil hindi pa rin nakikita ng makapangyarihang fairy ang pagbabago sa kanyang puso.

Mahanap na kaya ni Annika ang lalaking magliligtas sa kanya? Panoorin  ang Wansapanataym Presents: Annika Pintasera,  tuwing Linggo pagkatapos ng The Voice Teens sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). 

                                                                      

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: