PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Daniel at Kathryn abala sa martial arts training

Pinaghahandaan na ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang mga bagong karakter para sa teleseryeng La Luna Sangre. Ayon kay Daniel ay ibang-iba ito sa kanyang mga nagawa noon.

“Ito, nagte-training na kami. Baka next month ipalabas na. Nagte-trai­ning na kami ni Kathryn ng martial arts. I’m excited, new story and excited din kasi masaya ‘yung show. Light siya pero may action,” pagbabahagi ni Daniel.

Kabilang din sa nasabing serye sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

Samantala, masayang-masaya ang aktor dahil bahagi rin siya ng gaganaping selebrasyon ng Star Ma­gic para sa kanilang 25th anniversary ngayong taon. 

Matteo pag-iipunan ang kasal nila ni Sarah

May bulung-bulungan na nalalapit na diumano ang wedding proposal ni Matteo Guidicelli para sa kasintahang si Sarah Geronimo. Ilang taon na ring magkasintahan ang dalawa kaya natatanong na ang aktor tungkol dito. “Hindi ko pa alam eh. Actually alam ko, pero secret na lang,” makahulugang pahayag ni Matteo.

Para sa binata ay natutupad na unti-unti ang kanyang mga pangarap sa buhay. Gusto raw noon ni Matteo na magpakasal na sa kasintahan pagtuntong niya ng 27 years old. “They’re something that I really want and hopefully, achieve them in the future. When I was 18 years old, when I was 20, I said I wanna get married when I’m 27. I’m 27 now. We’ll see,” kwento ni Matteo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hanggang maaari ay gustong gawing pribado ng aktor ang magiging wedding proposal niya kay Sarah.  Mag-iipon daw si Matteo upang maisakatuparan ang pag-iisang dibdib nila ni Sarah. “Hindi ko pa alam, i-research ko pa. I have to research on that pa. I don’t know how much I should set aside. We have to think about that pa. Pero siyempre, it has to be something realistic,” pagtatapos ng aktor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: