PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Gil mas papasang Thai actor kesa Korean

Bagets sa personal si Gil Cuerva, ang leading man ni Jennylyn Mercado sa My Love From The Star.

Bata pa talaga si Gil dahil 21 years old lamang siya samantalang 30 years old na si Jennylyn.

Mukhang may ibubuga sa akting si Gil, kung pagbabasehan ang pag-arte niya sa teaser ng Tagalog version ng sikat na Koreanovela na unang napanood sa GMA 7 noong 2014.

Mula nang maging artista si Gil, tinutukso siya ng kanyang mga kaibigan at kaklase sa De La Salle University na kiyeme-kiyemeng humihingi ng autograph niya.

Umabot sa dalawampu ang bilang ng mga nag-audition para sa role ni Matteo sa My Love from the Star pero si Gil ang mapalad na napili.

Si Gil ang nagsabi na nag-audition din para sa Matteo role si Ivan Dorschner. Blessing in disguise na hindi nakuha ni Ivan ang role dahil inilagay ito sa cast ng Meant to Be at tinitilian na siya ng fans, pati na ang mga co-star niya na sina Addy Raj, Jak Roberto, at Ken Chan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Walang karanasan sa pag-arte si Gil kaya hindi ito makapaniwala na makakapasa siya sa ipinatawag na audition ng GMA 7.

Hindi mukhang Koreano si Gil at mas marami ang nagsasabi na mapagkakamalan siya na Thai. Sa biglang tingin, may resemblance siya sa Thai actor na si Mario Maurer.

Dream ni Gil na maging direktor tulad ng kanyang mentor na si Joyce Bernal, ang direktor ng My Love from the Star. Alagang-alaga ni Joyce si Gil dahil talent ito ng kanyang manager at business partner na si Erickson Raymundo na dating BFF ni Jobert Sucaldito.

Glydel maraming karanasan sa mga stage mother

Si Glydel Mercado ang nanay ni Jennylyn Mercado sa My Love from the Star. Riot ang mga eksena nina Glydel at Jennylyn dahil sa mga patutsadahan nila.

Artista ang role ni Jennylyn sa bagong primetime teleserye ng Kapuso Network at stage mother naman ang karakter ni Glydel.

Marami nang na-encounter na stage mother si Glydel sa showbiz kaya hindi siya nahirapan sa role niya.

Hindi na mawawala sa showbiz ang mga stage mother na maraming demands at mas maarte pa kesa sa kanilang mga anak. Frustrated actress ang karamihan sa mga stage mother na talagang ipinararamdam ang presence nila sa entertainment industry.

Feel good teleserye ang My Love from the Star kaya sure na magugustuhan ito ng televiewers na ayaw na sa mga madadrama at mabibigat sa dibdib na eksena.

Regine bisita ang mga taga-Mulawin…

Mga bisita ngayong gabi sa Full House Tonight ang mga artista ng Mulawin vs. Ravena bilang cast member nito ang Full House Tonight host na si Regine Velasquez.

Aapir sa Saturday night show ng Kapuso Network sina Miguel Tanfelix, Derrick Monasterio, at Kiko Estrada na makikipaglaro ng basketball sa isang tunay na Ravena, ang basketball player na si Kiefer Ravena.

Kasali rin ang Mulawin boys sa jumbo sized production number na pangungunahan ni Joross Gamboa at ng Meant to be Boys.

Kakantahin ni Regine sa Full House Tonight ang sariling version ng Ikaw Nga, ang theme song ng Mulawin vs. Ravena at may duet number sila ni Yanni, ang anak ni Michael V.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: