^

PSN Showbiz

‘Finally may IG na ako’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sa wakas, nakumbinsi ako na magkaroon ng Instagram account at ito nga ay ang @AkoSiLolitSolis.

Welcome ang lahat, maliban sa bashers at ha­ters, na i-follow ako sa aking official IG account dahil garantisado na hindi ito gawa-gawa ng mga poser na nakiki-ride on sa name ko.

Pampa-good vibes lang ang IG account ko kaya bawal ang mga nega at ang mga naninira ng kapwa. Puwedeng i-share ninyo sa akin sa pamamagitan ng IG direct messaging ang inyong mga showbiz news na matitisod pero siguraduhin n’yo lang na hindi imbento or else, baka mademanda tayo.

‘A million thanks rubby’

A million thanks sa aking BFF na si Rubby Sy, ang big boss ng Flawless sa advance birthday treat niya sa akin kahapon sa Pio’s Kitchen, isa sa mga favorite restaurant ko sa Quezon City.

Private dining restaurant ang Pio’s Kitchen na ipinangalan kay Padre Pio, ang favorite saint ni Chef Chin Gallegos - Bagis na pinakamasarap na magluto ng paella. Matitikman din sa Pio’s Kitchen ang famous kamias juice na walang kaasim-asim na imbensyon ni Chef Chin.

Komportableng-komportable ang grupo namin sa Pio’s Kitchen dahil safe ang aming mga juicy showbiz tsikahan.

Katulad kahapon, marami kaming napagkuwentuhan na puro off the record at sure ako na hindi makalalabas dahil walang tenga sa mga dingding ng restaurant ni Chef Chin.

Inimbitahan ni Mama Rubby sa lunch kahapon sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. pero may previous appointment ang dalawa kaya hindi nakarating. Kung nagkataon, joint birthday celebration sana ang nangyari dahil pareho kami ng kaarawan ni Hayden na turning 37-years old sa May 20.

Tanging ina ni AiAi susundan na!

As of May 14, P28 million na ang box office gross ng Our Mighty Yaya kaya nagpapasalamat ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde sa lahat ng mga tumangkilik sa pelikula ni AiAi delas Alas.

Hindi nagkamali ng desisyon si Mother na gawin na Mother’s Day presentation ang Our Mighty Yaya kesa isali ito sa Metro Manila Film Festival 2016.

At dahil certified blockbuster ang pelikula niya, tuloy na tuloy na ang next movie project ni AiAi sa Regal Entertainment Inc.

May mga suggestion kay AiAi na gumawa uli ng isang all out comedy movie tulad ng Ang Tanging Ina.

Paolo at dyowa, tinaga na sa puno ang pagmamahalan!

Wala nang magagawa ang mga kontra sa special friendship ni Paolo Ballesteros at ng dancer na si Roland Ochoa Anog dahil masaya ang dalawa.

Kesa maging kontrabida, mag-wish na lang sila na maging maayos at forever ang special friendship nina Paolo at Roland na ibinabalik ang lumang tradisyon ng pagmamahalan dahil may paukit–ukit pa sila ng initials ng kanilang pangalan with matching date sa isang puno. Bibihira na ang gumagawa nang ganoon ‘ha?

Naniniwala ako na malalim ang special friendship nina Paolo at Roland. Malinaw na ebidensya ang kanilang mga identical tattoo sa braso na mahirap nang burahin.

Sa mga nega ang opinyon sa sweetness na nasasaksihan nila, maging happy na lang kayo para kay Paolo dahil hindi n’yo naman maibibigay sa kanya ang love and satisfaction na natatanggap niya mula kay Roland na instant celebrity at naging laman ng mga showbiz news mula nang ma-link siya sa King of Make up Transformation.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with