PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Misis ni Sec. Villar, tuloy ang laban sa Lupus

Bawal na bawal pala sa mga may sakit na Lupus ang sobrang tindi na sikat ng araw dahil makaaapekto ito sa karamdaman nila.

Nalaman ko ang impormasyon mula kay Diwa Party-List House Representative Emmeline Aglipay-Villar na isinusulong ang paggamit ng payong ng mga lupus patient.

Malawak ang kaalaman ng loving wife ni DPWH Secretary Mark Villar tungkol sa lupus dahil ganito rin ang sakit niya na natuklasan noong 2007.

Rep. Em naiyaksa sorpresa ni Sec. Mark

Kahapon ang 35th birthday ni Em at nag-celebrate siya sa piling ng Lupus Warriors na tinutulungan ng foundation na itinatag niya, ang Hope for Lupus.

Eksakto sa kaarawan ni Em ang World Lupus Day kaya mala­king sorpresa sa kanya ang party na regalo ni Secretary Villar sa isang restaurant sa Quezon City.

Clueless na clueless si Em sa surprise birthday celebration dahil meeting ang pupuntahan nila ang sinabi sa kanya ni Papa Mark.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Walang-wala sa isip ni Em na nagtipun-tipon sa restaurant ang kanyang mga kaibigan, ang Lupus Warriors at si Emma Therese, ang one and only daughter nila ni Papa Mark.

Tiniyak ni Papa Mark na magiging unforgettable para sa misis niya ang surprise birthday party na maaga na nagsimula dahil bibiyahe pa sa ibang bansa ang DPWH Sec., kasama si President Rodrigo Duterte.

Anim na araw na mawawala sa Pilipinas si Papa Mark dahil isinama siya ni Papa Rody sa pagbisita nito sa Cambodia, Hong Kong, at China.

Invited guests sa paggunita ng World Lupus Day ang former sexy stars na sina Patricia Javier at Ynez Veneracion.

Si Papa Dioceldo Sy, ang businessman na may-ari ng Everbilena at Blackwater Elite basketball team ang nag-imbita kina Patricia at Ynez na parehong may sapat na knowledge tungkol sa Lupus. Nakita ko rin sa event ang nagtatangkaran na basketball players ng Blackwater Elite.

Si Em ang founder ng Hope for Lupus Foundation na pangunahing layunin na ma-educate ang mga Pilipino tungkol sa karamdaman na kumikitil ng maraming buhay kapag hindi naagapan.

“Many people with lupus die because they were diagnosed when it was too late to do something about it, and more people die undiagnosed. If they had known the symptoms of lupus and received the proper treatment early on, their lives could have been saved, “ ang sabi ni Em.

Lady Gaga kamuntikan na rin Mga singer suki ng Lupus

Normal na normal ang hitsura ng mga lupus patient na bumati kahapon ng happy birthday kay Em.

Hindi mababakas sa mga mukha nila na nagdurusa sila sa lupus, isang chronic autoimmune disease. Kapag nagiging hyperactive ang immune system ng ating katawan, inaatake nito ang mga healthy at normal tissue na pinagsisimulan ng lupus.

Hindi nakakahawa ang lupus pero puwede ito na maging life threatening.

Si former President Ferdinand Marcos, ang American singers na si Selena Gomez, Seal, Toni Braxton, Paula Abdul, Nick Cannon, at Michael Jackson ang ilan sa mga sikat na personalidad na may lupus disease. Napabalita noon na may lupus si Lady Gaga pero nag-deny ito.

“The truth is I don’t show any signs, any symptoms of lupus but I have tested borderline for the disease,” ang denial ni Lady Gaga na umamin na may mga kamag-anak siya na may lupus disease. Napansin ko na mga singer ang karamihan sa mga nagdurusa sa lupus. Bakit kaya?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: