PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P38.57-M tax evasion case vs Richard Gutierrez

MANILA, Philippines — Nahaharap sa kasong tax evasion ang aktor na si Richard Gutierrez matapos siyang kasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong Biyernes sa Department of Justice.

Ayon sa BIR, P38.57 milyon ang hindi binayarang buwis ni Gutierrez, kung saan nag-under declare siya noong 2012.

Ganito rin umano ang ginawa ng production company niya na R Gutz kung saan siya ang pangulo nang magdeklara lamang ng P311,111 na sales noong 2012.

Hindi rin umano naghain ng annual income tax return at dalawang quarterly value added tax returns ang R Gutz.

 “As a consequence of their acts and omissions, R Gutz and its president, Richard Gutierrez, were assessed an estimated aggregate deficiency tax liability for taxable year 2012 in the total amount of P38.57 million,” pahayag ng BIR.

Noong Setyembre 2014 pa nagsimulang katukin ng BIR si Gutierrez at nasundan ito noong Enero at Marso ngayong taon ngunit wala silang tugon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: