PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aling Dionesia susubukang gayahin ni Zsa Zsa, Marvin at Markki pinagmamalisyahan

Dionesia Pacquiao

Seen: Paalis na si ex-Vice President Jojo Binay sa birthday celebration ni Manila City Mayor Joseph Estrada sa Manila Hotel pero bumalik siya nang tawagin ang pangalan niya para sa kanyang birthday message sa may birthday.

Seen: Nagbigay rin ng mahabang tribute kay Mayor Joseph Estrada ang kanyang close friend na si Eddie Garcia na tinawag ang sarili na endangered specie.

Scene:  Nagluluksa si  former Miss World Philippines 2015 Hillarie Parungao dahil sa pagkitil sa sariling buhay ng kanyang ama na si Edmundo sa police station ng Solano, Nueva Vizcaya. Nagbaril sa sarili ang tatay ni Hillarie matapos mahuli sa drug buy -bust operation.

Seen: Inspired ng karakter ni Dionesia Pacquiao ang role ni Zsa Zsa Padilla sa Bes, Ang Galing Mo, ang pelikula na pinagbibidahan ni AiAi delas Alas.

Scene: Magkasama noong Easter Sunday sa San Francisco, California sina Marvin Agustin at Markki Stroem. Binibigyan ng malisya ang closeness at friendship nina Marvin at Markki.

Seen: Noong April 19 ang first birthday ni Lily Feather, ang panganay nina Isabel Oli at John Prats. Ipagdiriwang ni Lily ang unang kaarawan niya sa Linggo, April 23, sa isang events place sa Libis, Quezon City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: