PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aktres nalimas ang datung sa mga karelasyon

Pagkatapos niyang mamuhay nang marangya nang mabigyan siya ng oportunidad na makilala sa kanyang linya ay ibang-iba na ang istilo ng kabuhayan ngayon ng isang female personality.

Marami siyang naipundar nu’n, magarbo ang nabili niyang bahay sa isang kilalang subdivision, marami rin siyang sasakyan. Para siyang nagmomodelo nu’n sa mga bonggang-bongga niyang outfit.

Pero nu’n ‘yun. Ibang-iba na ang sitwasyon niya ngayon. Panay-panay na ang pagtawag niya sa kanyang mga kaibigan at kasamahan para umamot ng tulong.

Nalanos na ang kanyang mga propyedad. Ang iba ay naibenta niya, ang iba naman ay nakumpiska na ng pinagsanlaan niyang banko, nahila naman ang kanyang mga sasakyan na hindi pa pala bayad at hinuhulugan pa lang niya.

“Nakakaawa na ang buhay niya ngayon, walang-wala na siya, palagi siyang tumatawag sa mga ka-contemporary niyang singers para manghingi ng financial help.

“Nadiskaril ang career niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Pasko ang tingin niya sa lahat ng panahon, hindi raw siya maghihirap, dahil marami siyang raket.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Kung sino ang nagpabagsak sa kanya, e, hindi alam ng mga friends niya, basta ang alam lang nila, e, sa pakikipagrelasyon sa kung sinu-sino ang dahilan ng pagkaubos ng datung niya!

“Bonggang-bongga kasing ma-in love ang babaeng ‘yun, dinadaan niya sa pera ang pakikipagrelasyon niya, bagsak na pala ang kabuhayan showcase niya, e, nagpapanggap pa rin siyang madatung, kaya ‘yan ang nangyari sa kanya!” napapailing na lang na kuwento ng aming source.

Kung sana’y paurong ang kanyang edad, baka sakaling makabawi pa siya, pero tumatanda na siya. Paano pa niya magagawa ang mga gimik niya nu’ng suwertihin siyang makilala sa linyang pinasukan niya?

Pagtatapos ng aming impormante, “Naku, i-try niya lang! Subukan lang niyang gawin uli ngayon ang mga kadramahan niya, tingnan lang natin, siguradong magkakabali-bali na ang mga buto niya!”

Ubos!

Mga dating katrabaho ni kris nangingisi na lang

Natagalan lang ang sagot, pero ngayo’y malinaw na ang lahat, tungkol sa mga hindi kagandahang pahayag na ibinalik ni Kris Aquino sa mga taong nagmagandang-loob at namuhunan para siya makabalik sa telebisyon.

Siguro’y ngumingisi nang palihim ngayon ang mga dating katrabaho ni Kris sa ABS-CBN, hindi man nagsasalita ang mga ito ay naiisip siguro nila, “Don’t tell us we didn’t warn you!”

Malinaw na itinawid ni Konsehal Renan Morales ang panig ng kanilang produksiyon, marespeto ang kanyang paliwanag, kung iba-iba lang ‘yun ay siguradong nakatikim na ng boldyak si Kris dahil sa kanyang katabilan.

Mabuti na lang at meron silang iniingatang pruweba, nand’yan ang mga resibong nagpapatunay na kailanman ay hindi na-late sa pagbabayad ng talent fee si Mrs. Rhodora Morales, kung tutuusin ay maaga pa ngang tinanggap ni Kris ang kabuuan ng kanyang talent fee.

April 9 ipinalabas ang Trip Ni Kris, pero March 30 pa lang ay nagbigay na ng full payment ang kanyang producer, saan kaya kinukuha ni Kris ang mga kababalaghang kuwentong inilalabas niya?

Pagkatapos niyang makakita ng taong mamumuhunan sa kanyang pagbabalik-telebisyon ay ganito pa ang kanyang igaganti? Sino pa ang susunod na magtitiwala sa kanya kapag ganyan na matapos niyang masunod ang kanyang kapritso ay pipintasan-sisiraan pa niya ang mga taong nagbigay ng tiwala sa kanya?

Saka ‘yung sinabi niyang “super-use-me-in-a-sentence” daw ang ginawa sa kanya ng mga Morales ay teka lang naman muna. Sino ba ang paggising pa lang sa umaga ay nagtatanong na ng “Who’s sikat today?”

Ang mga kinakaibigan lang naman ni Kris ay mga personalidad na sikat sa iba-ibang larangan. Nakikipag-close siya sa mga napapanahong artista, nireregaluhan niya, para lang masabing close na sila.

Sino ngayon ang manggagamit? Sino ngayon ang nanggamit kanino? ‘Yung nagsugal pa ba nang napakalaking pera para lang siya makabalik sa telebisyon?

Spell thank you. Spell utang na loob. At spell USER in bold capital letters!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: