PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

John Lloyd at Angelica nagpapagawa ng rest house sa Batangas!

John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban

Kuwento ng isang prend ko na nagpunta sa Tali Beach na isang private resort sa Nasugbu, Batangas noong April 17 na habang natutulog daw siya ay bigla siyang ginising ng kanyang anak at pamangkin. Niyaya siyang tignan sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na magkasama palang nagsi-swimming doon.  Nainis ‘yung prend ko dahil wala naman daw siyang pakialam kina John Lloyd at Angelica. 

Pero teka, nagkabalikan na nga ba sila? ‘Di ba ang sabi nila ay hindi pa?

Anyway, ayon pa sa nanay ng prend ko, madalas daw binibisita ni John Lloyd ang pinapagawa niyang rest house sa Batangas. 

At nung minsan nga, dumating daw doon ang dalawa na sakay ng black car.  Wala silang ibang kasama.

Magde-deny pa ba sila?

Conjugal property na kaya ang nasabing rest house o paghahanda lang ni John Lloyd sa future nila ng aktres.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Joseph Estrada at Jackie

Erap parang hindi 80 kung gumalaw!

Nakakatuwang panoorin na nagsama-sama ang mga anak at apo ni Manila Mayor Joseph Estrada sa kanyang 80th birthday bash last Wednesday sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel.

Ang bilang namin, 11 ang umakyat ng stage para magbigay ng special song sa kaarawan ng kanilang ama.

Ganundin ang mga apo ni Mayor na pinaka-bagets ang anak nina Jake Ejercito at Andi  Eigenmann na si Ellie.

Ang panganay na si Jackie na minana ang pagiging chairperson ng Mare Foundation ang naging punong-abala mula sa paghahanda hanggang sa pag-iimbita ng mga bisita. Nagkaroon din siya ng solo number. Kinanta ni Ms. Jackie para sa ama ang Ikaw ang Superstar ng Buhay na medyo iniba ang lyrics bilang pagpupugay sa kanyang amang may kaarawan.

Nag-solo spot din si Sen. JV Ejercito at ex senator Jinggoy Estrada na pinayagan ng Sandigan na makadalo.

Siya lang ang kumanta ng live dahil hindi raw siya nakapag-recording. Joke ni Jinggoy ‘di siya puwedeng mag-recording sa Crame dahil may gustong makipag-duet na babae. Si Sen. Leila de Lima siyempre ang tinutukoy niya. Pinayagan si Jinggoy na maki-party mula 6:00 hanggang 11:00 p.m. Kaya naman by 7:00 p.m. ay nasa venue siya na kasamang dumating ang kanyang pamilya. Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang song number at speech ay umalis na ito ng Manila Hotel, around 11:00.

Naging special guest naman si President Duterte na dumiretso sa Manila Hotel pagkagaling sa opening ng Cine Lokal sa SM MOA. Tulad sa mga iba niyang speeches, colorful at controversial ang kanyang speech na nagpasalamat dahil nga nasabi raw niya sa nasabing party ang mga gusto niyang sabihin patungkol sa tinatawag niyang oligarchs.

Bukod kay Pres. Digong na past midnight na umalis, dinaluhan ang nasabing party ng mga naglalakihang pangalan sa pulitika at showbiz at mga kaibigang negosyante ng may birthday – ex President Gloria Macapagal Arroyo, former Vice President Jejomar Binay, Sen. Nancy Binay, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Win Gatcha­lian, Navotas Cong. Toby Tiangco, Congw. Imelda Marcos, former Sen.  Bongbong Marcos, ex Gov. Chavit Singson at marami pang iba.

Nasunod ang plano ni Ms. Jackie na ‘reconciliation for everyone’ ang maging theme ng party dahil ‘yun ang ni-request sa kanya ng kanyang daddy.

Sa showbiz naman, pinangunahan ni Eddie Garcia, Lorna Tolentino, Manay Ichu Maceda, Pilita Corrales at marami pang iba ang mga nakisaya sa party. Nag-perform naman sina Sarah Geronimo, Martin Nievera and Lani Misalucha at naging host si Edu Manzano.

Sa true lang, wala sa hitsura ni Erap na 80 na siya. Nakipagsayaw pa siya kay Dra. Loi at sa mga anak at apo. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: