^

Pang Movies

Kris hindi bumenta sa Hollywood film?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris hindi bumenta sa Hollywood film?!
Kris Aquino

Lumabas na ang kumpletong listahan ng mga bida sa Crazy Rich Asians ng Warner Bros.

Isang concerned citizen ang nagtatanong at worried na worried dahil hindi raw niya nabasa ang name ni Kris Aquino.

Itinatanong pa ba’yan? Nang i-announce ni Kris na may gagawin siya na Hollywood movie, mabilis na kumalat ang tsismis na isang Asian princess ang gagampanan niya.

Knows ng mga nakabasa sa libro ng Crazy Rich Asians na bit role ang prinsesa kaya maiksi lang ang participation nito sa movie adaptation ng sikat na libro.

Kailangan ni Kris na mag-isip ng mga bagong isyu dahil hindi masyadong nag-click sa mga tao ang mga pralala tungkol sa Hollywood movie na gagawin niya.

Charice iniwan sa ere ni Alyssa nang makansela ang concert

Maliban sa balita na hiwalay na sina Charice at Alyssa Quijano, wala nang ibang mga impormasyon tungkol sa break up nila dahil naka-private na ang Instagram account ng lesbian singer at hindi na mahanap ng fans ang social media accounts ng girlfriend niya.

Hindi pa nag-iingay ang lola ni Charice sa mother side, si Tess Relucio na dating source ng mga balita tungkol sa kanyang apo dahil ayaw rin niya na magpaawat.

Isang concerned fan ni Charice ang nagpadala ng mga mensahe kay Raquel, ang ina ng singer, noong first week ng April 2017.

Parang alam ng concerned fan ang puno’t dulo ng break-up ng magdyowa dahil detalyado ang mga impormasyon na sinabi niya kay Raquel.

“Naghiwalay sila ni Alyssa. Bakit? Kasi si Charice mabilis magdesisyon. Cancelled concert kasi ayaw i-take a risk ng mga partner sa concert dahil wala pang 100 buyers ng ticket sa almost 2100 plus capacity ng Kia Theater.

“And Alyssa is so sick of it. Iniwan nya si Charice sa oras ng kailangang-kailangan siya. Sa oras ng pagkapahiya wala si Alyssa sa tabi niya. Nakakaawa.

“So the decision is it. Maghiwalay for better na sana dahil walang nangyayari sa career niya. Saan-saan na lang siya kumakanta. Let’s face it totoo ‘yun. Sino ba si Carolina Palacios para mag-handle sa career niya?

“Eto pang si Alyssa masyadong maluho.. e wala naman nai-aambag .. o ngayon umalis. Dala gamit na ‘di naman siya ang naghirap na mabili.

“Tanungin n’yo po Mrs. Raquel sa mga fake Chasters niya ang totoo. Alam nila na naghiwalay na ‘yung dalawa.

“Kasama ni Alyssa si Yeye. Iniwan niya si Charice. Masakit kay Charice ‘yun. Higit sa lahat, inaasahan niya na si Alyssa ang mag-stay sa buhay niya dahil pinagpalit niya kayo kay Alyssa tapos iiwan lang siya..

“So sad for Charice.. Si Alyssa may pamilyang binalikan, si Charice? Nahihiya siya sa inyo dahil sa ganun...” ang emote ng concerned fan na ikinabahala ni Raquel.

Lumitaw ang katotohanan na hiwalay na sina Charice at Alyssa dahil kinumpirma ito ng kampo ng singer. Lumalabas na may bahid ng katotohanan ang mga rebelasyon ng concerned fan ni Charice na pinagdudahan ng ibang mga tagahanga ng loveless na lesbian singer.

vuukle comment

CRAZY RICH ASIANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with