^

Pang Movies

Resort ni Mother Lily ligtas sa lindol!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Lindol everywhere! Matapos madale ang ilang bayan sa Batangas, nilindol kahapon sa ilang bayan ng Samar at Ilocos Norte. Nataon pa ito ngayong Mahal na Araw kaya nakakalungkot at  nakakatakot.

Maging si Mother Lily Monterverde ay nag-alala nu’ng madale ng lindol ang bayan ng Taal sa Batangas. Nakatayo kasi roon ang kanyang Taal Imperial Resort & Hotel na dinarayo tuwing mahaba ang bakasyon.

Sumugod si Mother sa Taal mada­ling-araw ng Lunes matapos panoorin ang TV special ni Kris Aquino sa GMA na #TripNi Kris.

Simahan siya ng Taal Mayor na si Pong Mercado na isa sa dati niyang trusted men sa Regal Films. Natuwa naman ang Regal matriarch nang makitang safe and sound ang staff at buo ang resort.

“Everything’s all right!” sabi ni Mother sa amin nang inspeksyunin ang buong resort.

Marami pa namang booking sa resort ngayong Holy Week. Lalo pa raw itong tumaas ayon kay Mother.

“Prayers can move mountains!” pahayag pa ni Mother.

Isa ang Taal Imperial Resort sa investments ni Mother. Pretty soon, ang hotel-resort naman sa Tagaytay ang kanyang sisimulan.

Male celeb na na-stroke tumalab ang healing prayer sa agaw-buhay na pasyente!

Unbelievable but true ang kuwento ng pana­nam­palataya ng isang male celebrity na isang Christian. Hindi namin pangangalanan ang celeb dahil baka dumagsa ang tao sa kanya para tulu­ngan siya.

Na-stroke minsan ang celeb pero naka-recover siya dahil na rin sa pananampalataya sa Diyos. Normal na normal na siya ngayon. Pero kabilib-bilib ang kuwento sa ginawa niya nang dalhin siya sa ospital nang ma-stroke.

Ayon sa kaibigan ng celeb, nang dalhin sa ospital ang huli nang ma-stroke, nakasabayan niya sa emergency ang isang agaw-buhay na pasyente. Sa halip na asika­suhin muna ang sarili, talagang pinuntahan ng male celeb ang 50/50 na pasyente.

Nag-pray over si male celeb sa pasyente. Matapos ang kanyang pray over, siya naman ang tsinek-ap ng doctor.

Nagulat na lang ang lahat na ‘yung pasyenteng priney-over ni celeb ay naligtas sa kamatayan, huh!

“Mabisa ang kanyang pray over, in fairness!” sabi sa amin ng kaibigan ng male celebrity.

 

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with