^

PSN Showbiz

Beauty naging ibang tao nang maging nanay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa Huwebes Santo ang kaa­ra­wan ng Bacoor Mayor Lani Mercado kung saan isi-celebrate niya sa Camp Crame para makasama si Sen. Bong Revilla at mga anak.

Kuntento na raw siya na ganun lang at ang wish niya sa kanyang kaarawan ay makasama na si Sen. Bong sa labas ng Camp Crame, “Ang wish ko naman siyempre ‘yung makapiling si Sen. Bong na ma-out on bail siya para sa pamilya po namin.

“Siyempre magta-tatlong taon na po siyang hindi namin kapiling.

“Kung bibilangin po sa June, three years na pong hindi namin siya kasama. That is my personal wish.

“On a professional note, siyempre na mabiya­yaan ako ng lakas ng kalooban, ng katawan at pag-iisip para mas lalo ko pa pong mapaglingkuran ang aking mga constituents dito sa lungsod ng Bacoor,” pahayag ni Mayor Lani.

Napasaya naman si Mayor Lani ng mga empleyado niya sa Bacoor City Hall nang binigyan siya ng surprise birthday program sa Strike Gymnasium nung nakaraang Biyernes.

Hindi na raw siya maghahanda, dahil marami pang mga taga-Bacoor na nasunugan ang kaila­ngang tulungan.

PAK: Kung saan nagkaanak at malapit nang ikasal ay saka binigyan si Beauty Gonzales ng magandang break ng ABS-CBN 2.

Bida siya sa nalalapit na drama series na Pusong Ligaw, katambal si Joem Bascon. Malaki raw ang nabago sa kanya magmula nu’ng magkaanak siya at naging positibo ang lahat na dumating sa buhay niya. “It made me a good person. Naging mabait ako sa anak ko. Naging importante sa akin ang pamilya. Naging importante sa akin ang lahat ng bagay nang nagkaroon ako ng anak,” pakli ni Beauty.

Pinaghahandaan na niya ang kanyang kasal, pero inuna muna niya ang promo ng Pusong Ligaw na malapit nang magsimula.

BOOM: Kitang-kita namin kung paano na-starstruck ang baguhang sexy singer na si Kara Mitzki nang ipinakilala sa kanya ni Michael Pangilinan si Vice Ganda. Kahit may birthday party pa si Vice nung kamakalawa ng gabi, dumating ito bilang special guest sa back-to-back concert nina Michael at Kara na 56K with Kara and Khel na ginanap sa Music Museum nung kamakalawa ng gabi.Sabi ni Vice, kaya raw niya isiningit sa birthday party niya ang pag-guest sa naturang concert ay dahil para sa 56th birthday celebration ni Jobert Sucaldito na producer ng naturang concert.               

Sabi raw niya kay Jobert, gusto niyang kantahin ang This is The Moment ni Erik Santos, pero pag-aaralan pa ng banda.

Kuwela ang paglalaro ni Vice sa isyu nina Jobert at Erik, na bentang-benta sa audience.   Napatulala naman ni Kara ang mga kalalakihan sa mga sexy outfits na isinuot niya sa naturang concert. Panlaban naman talaga ni Kara ang ka­sek­sihan niya kaya itinodo na niya ito.

Sobrang touched siya sa all-out support ng manager niyang si Tita Annabelle Rama.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with