^

PSN Showbiz

Mga kandidata ng Binibini… puro pagkanta ang talent

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Lipsync na nga, hindi pa memoryado ni Diego Loyzaga ang lyrics ng kanta niya sa ASAP production number nila ni Sofia Andres at ng ibang mga youngstar ng ABS-CBN.

SCENE: Waste of airtime ang Trip to Jerusalem comedy skit ng Sunday PinaSaya dahil super boring at hindi ito nakakatawa. #SoAmateur.

SEEN: “Mami-miss ko kayo” ang parang sirang plaka na pauli-ulit na sabi ni Sharon Cuneta sa mga contestant ng Your Face Sounds Familiar Kids.

SCENE: Magkasama na lumipad sa Amerika noong Sabado sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa mga show nila sa California at New York.

SEEN: Nagkita sa Los Angeles, California si Paolo Ballesteros at ang kanyang anak na si Keira. Kasama si Paolo sa KS sa US concert nina Alden Richards at Maine Mendoza.

SCENE: Dinumog ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga mall show nila kahapon sa SM Novaliches at Fairview Terraces. Matiyaga na hinintay ng fans ang pagdating ng Kathniel loveteam na ipino-promote ang Can’t Help Falling in Love, ang pelikula nila na mapapanood sa mga sinehan sa April 15.

SEEN: Singing ang talent na ipinakita ni Mariel de Leon sa talent competition ng Bb. Pilipinas 2017 sa Araneta Center noong Sabado.

SCENE: Pagkanta ang talent na ipinamalas ng karamihan sa official candidates ng Bb. Pilipinas 2017 sa talent competition. Sa grand coronation ng Bb. Pilipinas 2017 sa April 30 ang announcement ng Miss Talent winner.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with