^

PSN Showbiz

AiAi panata ang magpabasa tuwing Semana Santa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si AiAi delas Alas na lang ang artista na kilala ko na ipinagpapatuloy ang lumang tradisyon ng Pabasa.

Panata ni AiAi ang magpabasa sa bahay niya tuwing Lunes Santo at Martes Santo.

Holy Monday ngayon kaya hindi tumanggap si AiAi ng ibang mga commitment dahil naka-focus ang atensyon niya sa pabasa.

Tulad ng isang devout Catholic, nagninilay-nilay at nagtitika si AiAi tuwing Holy Week. May mga sakripisyo siya na ginagawa at pagsisisi sa mga pagkakamali niya.

Hindi na alam ng ibang mga kabataan na artista ang Pabasa tuwing Mahal na Araw.

Basta para sa kanila, ang makapagbakasyon sa beach o pumunta sa ibang bansa ang kahulugan ng Holy Week dahil ito ang panahon na wala silang mga taping o shooting.

Sa true lang, limitado na ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa Holy Week.

Dati-rati, sarado ang lahat ng mga business establishment, walang mapapanood na programa sa TV at pahinga ang mga radio station tuwing Mahal na Araw.

Tahimik na tahimik ang paligid at lumalabas lang ang mga tao para sumali sa prusisyon tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo dahil ang sabi nga ng mga bata noon, “Patay ang Diyos.”

Iba nga ngayon dahil may mga mall na magbubukas sa Maundy Thursday at sa Good Friday.

I’m sure, hindi na mga Katoliko ang mga may-ari ng mga mall na tinutukoy ko kaya para sa kanila, business as usual ang Holy Week.

Korean actors nakakaadik!

Mga telenovela natin matulad sana sa mga Koreanovela

Maluwag ang traffic situation sa Metro Manila simula sa Holy Thursday hanggang Black Saturday.

Ang Metro Manila ang the best place to be kapag Holy Week dahil napakatahimik ng paligid.

Gaya nang nakaugalian ko, sa bahay lang ako tuwing Holy Week para maglinis at magdispatsa ng mga gamit na hindi ko na kailangan.

Siyempre, magtitika ako habang nasa bahay ako, pagsisisihan at ihihingi ng kapatawaran ang mga kagagahan na ginawa ko.

Excited din ako na panoorin ang aking mga favorite Koreanovela dahil lalo akong na-in love sa mga teleserye show ng Korea nang magbakasyon ako sa Jeju island.

Wish ko talaga na magkaroon tayo ng mga teleserye na kasingganda ng mga Koreanovela na madrama pero hindi mabigat sa dibdib.

Nakakapagod na kasi na manood ng mga teleserye na may mga bata na nagkahiwalay o nagkapalit noong mga maliliit sila, mga babae na nag-aaway dahil sa isang lalaki, mga kontrabida na hindi na makatotohanan ang pagiging salbahe at kung ano-ano pa na very predictable at paulit-ulit ang mga kuwento.

May ugali pa naman ako na kapag nagustuhan ko ang isang pelikula at TV show, paulit-ulit ko na pinapanood hanggang matandaan ko ang dialogue ng mga bida at ang mga eksena.

Ready na nga ang mga DVD copy ng favorite movies ko, ang The Godfather 1,2 and 3, ang dalawang version ng Hollywood movie na Sabrina, ang Air Force One ni Harrison Ford na hindi ko pinagsasawaan at ang mga Koreanovela na napanood na noon sa GMA-7 at ABS-CBN.

Naiintindihan ko na ngayon ang pakiramdam ng mga aktres na addict na addict sa mga Koreanovela dahil ka-level na nila ako. Mas kilala ko na nga ngayon ang mga Korean actor kesa mga baguhang artista sa Pilipinas.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with