^

PSN Opinyon

Ang Semana Santa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA na kahapon, sa Linggo ng Palaspas ang pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Isang berso na matatagpuan sa Matthew 21:2 ang nagsasaad ng ganito (ang Panginoong Hesus ang nagsasalita) : “Magtungo kayo sa susunod na nayon at doo’y may makikita kayong asno (Donkey). Kalagan niyo ito pati ang kanyang bisero at dalhin sa akin.

Ilang araw bago ang kanyang pagkakapako sa Krus, pumasok sa Herusalem si Jesus na karay-karay ang kanyang mga apostoles lulan ng isang bisero o batang donkey.

Mainit ang pagsalubong sa kanya ng mga Hudyo na nagsisigawan ng “Hossana” habang ikinakaway ang mga dahon ng  palmera. Ibig sabihin ng Hosanna ay “iligtas mo kami.”  Akala ng mga Hudyo, ang layunin ng Mesiyas ay ibalik ang kaharian   ng Israel at palayain sila sa pananakop ng mga Romano. Hindi nila nauunawaan ang spiritual dimension ng pagkakatawang tao ng Panginoong Hesus.

Ang pagsakay sa isang asno ay ang isang  mapagpaabang bagay ng magagawa ng isang kinikilalang hari na dapat sana ay nakasakay sa isang matikas na kabayo. Ang donkey ay simbolo ng katangahan, kaya puwede rin itong sumagisag sa katangahan nating mga tao. Oo, matagal na tayong :”tanga” lalu na sa pagpili ng mga leader ng ating bansa na matapos nating iboto ay babatikusin natin at hahangaring mapalitan sa ano mang paraan kahit marahas.

Ang utos ni Jesus sa kanyang mga alagad na kunin ang asno, kalagan at dalhin sa kanya ay parang utos na rin sa ating mga tunay na Kristiyano. Kunin natin ay kalagan sa pagkaalipin sa palsong kaisipan ang mga tao at dalhin kay Jesus upang magkaroon ng kaligtasan at karunungan.

Ang nakalulungkot, yung mga taong nagbunyi sa kanyang pagpasok sa Herusalem ay siya ring mga tao na sumigaw nang “Ipako siya sa krus!”

Parang tayo. Matapos makakilala sa Dios ay nagbabalik sa kasalanan na muling nagpapako sa Panginoong Hesus sa krus.

vuukle comment

LINGGO NG PALASPAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with