^

PM Sports

Di’ napigilan ang Hotshots

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos umarangkada sa second period ay hindi na napigilan ang Hotshots para sa pagtatala ng ikaapat na sunod na panalo.

Kumolekta si import Tony Mitchell ng 19 points, 14 rebounds at 6 shotblocks para tulu-ngan ang Star sa 97-83 paggupo sa bumubulusok na Mahindra sa 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Medyo may jetlag pa ‘yung import nila at suwerte kami doon,” sabi ni Hotshot’s head coach Chito Victolero kay Keith Wright, ang bagong import ng Floodbuster. “Siguro maganda din ‘yung team effort namin.”

Tumapos ang 6-foot-8 na si Wright, pumalit kay James White na may 17 points sa kanyang debut game.

Ang three-point shot ni Allein Maliksi ang nagbigay sa Star ng 21-point lead, 61-40 sa 5:58 minuto ng third quarter patungo sa pagbitbit sa 70-53 abante laban sa Mahindra sa pagpasok ng fourth period.

Sa naturang yugto ay nagsalpak si Paul Lee ng 8 points kasama ang dalawang 3-point shots.

Muling nakalayo ang Hotshots sa 86-65 sa gitna ng final canto hanggang makalapit ang Floodbuster sa 77-90 agwat mula sa basket ni Reden Celda sa huling dalawang minuto nito.

Ganap namang sinel-yuhan ng Star ang kanilang panalo matapos ang split ni Mitchell at fastbreak layup ni rookie guard Jio Jalalon para sa kanilang 93-77 bentahe Mahindra sa nalalabing 1:29 minuto ng laro.

Nagdagdag si Jalalon ng 14 markers para sa Hotshots kasunod ang 12 at tig-11 points nina Aldrech Ramos, Lee, PJ Simon at Mark Barroca, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni Alex Mallari ang Floodbuster sa kanyang game-high na 24 points.

vuukle comment

TONY MITCHELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with