^

PM Sports

Stephenson humingi ng paumanhin

Pang-masa

INDIANAPOLIS — Naging agresibo si Lance Stephenson sa pagsagupa ng Indiana Pacers laban sa Toronto Raptors.

Sa kanyang unang home game matapos muling pumirma sa Indiana noong nakaraang linggo ay tinulungan ni Stephenson na bigyan ng lakas ang Pacers sa second half kung saan sila nakabangon mula sa 19-point, first-half deficit para talunin ang Toronto, 108-90.

Tumapos siya na may 12 points ngunit pinagsimulan ng gulo ang kanyang isinalpak na layup sa natitirang 3.3 segundo ng laro imbes na ubusin na lamang ang oras.

Ikinagalit ni DeMar DeRozan ng Raptors ang ginawa ni Stephenson habang pilit na pinaghiwalay ng mga coaches ang mga players nang mapunta ang gulo sa Pacers bench mula sa court.

Tinawagan sina DeRozan, Stephenson at Toronto guard P.J. Tucker ng technical fouls.

Matapos ang laro ay tinawag ni Tucker ang ginawa ni Stephen na isang “classless” at “tasteless.”

Humingi naman ng paumanhin si Stephenson.

“I didn’t mean no harm,” wika ni Stephenson. “The crowd was chanting me on and I just wanted to do it for the fans.”

vuukle comment

LANCE STEPHENSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with