PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Xian natakot sa putok ng baril

Xian Lim

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napasabak si Xian Lim sa paggawa ng action movie. Kabilang ang aktor sa Corpus Delicti na idinirek ni Toto Natividad.

Aminado si Xian na talagang nahirapan siya sa paggawa ng ganitong tema ng pelikula. “Kilala n’yo naman siguro si Direk Toto pagdating sa paggawa ng action movies. Napakagaling niya, tapos gusto niya talaga okay lahat ng mga eksena. Siguro times five ng drama ‘yung paggawa ng action. Kasi paikut-ikot ‘yung camera eh, ang daming shots na kailangan. May saksakan, barilan,” pagbabahagi ni Xian.

Ngayon lang din nakahawak ng baril at nakapagpaputok ang binata kaya talagang nakararamdam siya ng takot dito. “Nagugulat ako sa baril. Tahimik lang kasi ako. ‘Yung bahay kasi namin hindi naman masyadong maingay. Hindi rin ako nagpapaputok, so natatakot ako do’n sa pagputok ng baril. Sabi ko, ‘Oh, test fire muna.’ Eh mahal pala ang bala kasi P50 kada putok, pwede namang mag-test fire pero siyempre dagdag ‘yon sa production cost,” nakangiting kwento ng aktor.

Ngayong nasubukan na ni Xian na gumawa ng action movie ay nangangarap naman daw ang binata na maging kontrabida sa ilang magagaling nating aktor sa industriya ngayon. “Siguro kay John Lloyd (Cruz), Piolo (Pascual), Dingdong Dantes, at Coco Martin, parang masarap paglaruan di ba,” giit ni Xian.

Samantala, noong Sabado ay muling nagtambal sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa Maalaala Mo Kaya. Muling napakilig ng dalawa ang Kimerald fans na matagal nang naghihintay sa muli nilang pagsasama sa proyekto.

Ayon kay Xian ay nakararamdam siya ng selos kapag may nakakatambal na ibang aktor ang dalaga. “Siyempre, hindi naman maiiwasan na may konting pagseselos, normal naman ‘yon. Kung mag-away man, napag-uusapan namin agad, nagkakaintindihan agad kami. Basta mga petty quarrels lang talaga,” pagtatapat ng aktor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Vina nahihirapan sa pagpapalaki sa anak

Aminado si Vina Morales na nahihirapan siyang magpalaki na mag-isa sa anak na si Ceanna.

Sa pagiging single mom ng aktres ay ginagawa nito ang lahat upang maitaguyod na mag-isa ang anak. “As a single mom, mahirap po talagang magpalaki ng isang anak na mag-isa, especially if you’re a working mom. Siguro ‘yung aking napagdaanan noon at pinagdadaanan ngayon, I get strength from God and from my family. And my friends na nandiyan para suporta sa akin,” nakangiting pahayag ni Vina.

Maraming mga pagsubok na ang dumating sa aktres mula nang nakarelasyon at nakahiwalayan si Cedric Lee.

Mas pinipili raw ni Vina na manahimik na lamang sa lahat ng mga kontrobersiyang kanyang kinakaharap. “I always believe na lahat naman ng problema, malalampasan ‘yon basta you won’t give up on those situations and you have to fight. I always believe silence is the best revenge and I always go through the proper way. Basta wala kang tinatapakan na tao at ang sinasabi mo ay totoo lamang, doon ka lalong rerespetuhin ng mga tao bilang isang babae,” paliwanag ni Vina.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: