PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Relasyon’ nina Sef at Maine hindi mamatay-matay!

Maine Mendoza

SEEN: Ang businesswoman na si Rhodora Marquez ang nagpakilalang producer ng Trip ni Kris at fan siya ni Kris Aquino pero nakalagay sa Wikipedia na ang APT Entertainment ang creator ng travel show ng Queen of All Media na malaki ang itinamlay ng career mula pa noong nakaraang taon.

SCENE: Tumaba si Yen Santos nang dumalo ito kahapon sa grand presscon ng Northern Lights, ang unang pelikula niya katambal si Piolo Pascual.

SEEN: Dapat palitan ni Yen Santos ang stylist niya dahil kukurtinahin na tela ng kanyang suot na dress kahapon.

SCENE: Nangyari sa tunay na buhay ang plot ng Northern Lights dahil halaw ito sa kuwento ng buhay ni Dondon Santos, ang half-brother ni Dondon Santos, ang direktor ng Yen Santos-Piolo Pascual movie. Pareho ang pangalan ng direktor at ng kanyang kapatid sa ama.

SEEN: Hindi namamatay ang balita tungkol sa secret relationship nina Sef Cadayona at Maine Mendoza, kahit ongoing ang Destined to be Yours, ang primetime teleserye sa GMA-7 nina Maine at Alden Richards.

SCENE: Bumili ng maraming kopya ng biography book niya ang ABS-CBN executive na si Charo Santos para ipamigay sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak. Personal na sinusulatan ni Charo ng dedication ang bawat kopya ng My Journey, The Story of an Unexpected Leader.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: