PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mother Lily pinaiyak si Piolo!

Mother Lily Monteverde

May correction please ako, hindi totoo na nagkaayos kami ni Piolo Pascual sa presscon kahapon ng Northern Lights sa Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde.

Hindi yata updated ang ilan dahil kung pamilyar sila sa isyu, nagkita at nagkausap na kami ni Piolo sa burol ni Rudy Fernandez sa Heritage Park noong June 2008.

Year 2007 nang magkaroon kami ni Piolo ng kaso sa Manila Regional Trial Court.

Kahapon na lang uli kami nagkita after 2008 at nangyari nga ito sa presscon ng Northern Lights.

Kung tama ng pagkakaintindi ko, tagahanga ni Daboy ang nanay ni Piolo kaya nakiramay sila sa mga naulila ng favorite action star ko.

Nahiya nga ako sa pagtatagpo namin ni Piolo sa presscon ng Northern Lights dahil ayokong isipin ni Mother Lily na inagawan ko siya ng eksena ‘no!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Actually, biniro ako ni Mother na nasapawan ko siya na walang katotohanan dahil mas matindi ang ginawa niya.

Naging emosyonal si Piolo nang basahin ni Mother sa presscon ang prepared speech nito na pinupuri ang kabutihan ng lead actor ng Northern Lights. Nakaka-insecure si Mother dahil napaiyak niya nang live ang kanyang Papa P na hindi ine-expect ang mga papuri ng Regal Films matriarch.

Halik kinalakhan na Piolo kino-consider na blessing ang halik ni Inigo​

Hindi na nahirapan ang entertainment press na kunin ang reaksyon ni Piolo tungkol sa lip kissing video nito at ng kanyang anak na si Inigo Pascual.

Sa totoo lang, tumitiyempo ang mga reporter pero naunahan sila ni Piolo dahil ito ang nag-bring up sa isyu.

Ang akala yata ng bashers ni Piolo, dededmahin nito ang isyu pero nabigo sila dahil ang aktor ang nag-ungkat sa intriga at pinalakpakan ng press ang sagot niya.

“Ako na ang magsasabi ng lumabas na news na madaming nagba-bash sa dun sa video namin ng anak ko. Ako na ang nag-bring up ‘di ba?

“Pero iniisip ko how am I gonna address that issue? Ano ba ang sasabihin ko? Paano ka ba sasabihin ‘yon kasi puwede ka naman na maging defensive pero you know what, at the end of the day, blessing ‘yung ganoong experience na habang nabubuhay ka pa, you get to experience that with your family, with your son, for that matter.

“Wala akong sasabihin sa mga bashers, it’s a blessing na ginagawa sa akin ng anak ko ‘yon kasi ganoon ako pinalaki ng magulang ko.

“Natural ‘yon eh. Natural ‘yon. Ako, gustong-gusto ko na nilalambing ‘yung mga bata kasi kapag lumaki na ‘yan, hindi mo na puwedeng lambingin. Pero para sa akin, para gawin ng anak ko ‘yon sa akin, gagawin ko rin ‘sa nanay ko ‘yon, gagawin ko rin sa tatay ko kasi ang sarap ng pakiramdam. Masarap din na masaya rin ‘yung pakiramdam ng magulang mo ‘di ba?” ang sey ng Papa P ng lahat tungkol sa intriga na nagkaroon ng closure dahil sinabi na niya ang kanyang saloobin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: