^

Probinsiya

7 katao huli sa boga, droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines - Arestado ang pitong katao matapos na mahulihan ng droga at baril sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Quezon Provincial Intelligence Branch at Lucena Police Intel sa Purok 7, Sta. Teresa, Brgy. Dalahican, kamakalawa.?Ayon kay P/Supt. Art Brual Jr., OIC ng pulisya dito, ang mga nadakip ay sina Eldwin Estevez, 28; Hernan Bustillo, 37; Jed Salapare, 21; Jerico Magadia, 19; Ariel Escanilla, 17; isang alyas Mark 17, at Willy Gonzales, 41. Dakong alas-4:00 ng hapon nang isagawa ang police anti-gambling operation sa lugar nang mamataan nila ang isang Isuzu highlander sa gilid ng kalye.? Nang siyasatin ang sasakyan, naaktuhan umano ang mga suspek na nagpa-pot session.? Nakuha kay Estevez ang isang kalibre .45 habang isang improvised shot gun ang nakuha kay Bustillo.? Nakuha sa sasakyan ang 7 gramo ng shabu, 2 digital weighing scale, drug paraphernalias at 5 piraso ng Indian arrow.? Mariing itinanggi ng mga suspek na sa kanila ang mga baril at droga dahil gumagawa lamang umano sila ng mga makina ng bus nang arestuhin ng mga pulis.

vuukle comment

ELDWIN ESTEVEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with