^

Probinsiya

74-anyos ina dinos-por-dos ng anak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Walang awang nilumpo sa palo ng dos-por-dos ng isang langong welder ang sarili nitong 74-anyos na ina matapos tanggihan siyang bigyan ng pang-toma sa Brgy. Magsaysay, Lasam, Cagayan kamakalawa.? Kinilala ni Chief Insp. Edgar Unista ang suspek na sa kulungan na nahimasmasan na si Renato Molina, 40, na nakatira sa iisang bubungan kasama ang inang si lola Catalina Molina na isinugod sa pagamutan. ?Nabatid na dakong alas 7:00 ng umaga nang magwala ang lasing na suspek matapos tanggihang bigyan ng pang-toma ng ina na hindi pa nakakapag-kape.? Umalingawngaw ang sigaw ng suspek habang pinapaliguan ng palo ang matanda kaya’t napasugod na sumaklolo ang taongbayan. ?Ayon kay lola Catalina, pinagtitripan siyang gulpihin ng anak sa tuwing nalalango sa alak.? Sinampahan na ng pulisya ng kasong kriminal ang suspek matapos ang matinding pananakit sa ina.

 

vuukle comment

EDGAR UNISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with