^

Probinsiya

2 estudyante nilamon ng ilog

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines - Kapwa nasawi ang dalawang dalagita na pawang Grade 8 student makaraang malunod sa malalim na bahagi ng Labong River sa Sitio Labong, Purok 7 sa Brgy. Sta. Rita, Quezon ng lalawigang ito, kamakalawa. Sa ulat kay P/Sr. Supt. Antonio Yarra, provincial police director, kapwa namatay ang magkaklaseng sina Gizelle Ocampo, 13, ng Purok 5, Brgy. Bertese, Quezon, NE; at Kathleen Joy Valdez, 13, ng Purok 7, Brgy. Pulong Bahay, Quezon, NE, nang malunod sa nasabing ilog. Habang naka-lunch break ay nagpasyang maligo sa nasabing ilog ang dalawang biktima at iba pa nilang kaklase ng alas-12:10 ng tanghali. Hindi nagtagal, napansin na lumubog ang dalawang biktima at tila nalulunod.  Sa takot na malunod din ay humingi na lang ng tulong ang mga kaklase ng dalawang biktima sa mga residente roon. Agad namang narekober ang katawan ng dalawang magkaklase at isinugod sa Sto. Domingo District Hospital subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival.

 

vuukle comment

MALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with