^

Probinsiya

Mag-asawang trader na nag-donate ng lupa, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang mag-asa­wang negosyante na nag-donate ng lupa na tatayuan ng paaralan para sa mga batang katutubo makaraang pasukin sa kanilang tahanan at pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Compostela, Compostela Valley  nitong Huwebes ng gabi.

 Kinilala ang mga biktima na sina Ramon Pesadilla, 59, at misis na si Leonela, 55, pawang miyembro ng Compostela Farmers Association.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 11, dakong alas-9 ng gabi habang nagpapahinga ang mag-asawa nang biglang sumulpot ang mga suspek sa loob ng kanilang bahay sa Gawad Kalinga Housing Project, Brgy. Osmeña ng bayang ito.  

 Sa pahayag ng mga testigo, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok mula sa tahanan ng mag-asawa at nakitang mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nauna rito, namahagi pa ng lupa ang mag-asawa na pinagtayuan ng Community Learning Center para sa mga batang katutubo.

vuukle comment

RAMON PESADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with