^

PM Sports

Magkukrus ang landas nina Aguilar at Mangosong

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Magtatagpo ang landas ng beteranong rider na si Glenn Aguilar at ang sumisikat na si Bornok Mangosong ng Davao sa gaganapin na 2017 Diamond Motor Supercross ngayong Sabado (Marso 4) sa Mx Messiah Fairground sa Taytay, Rizal.

Ang paghaharap ng dalawang sikat na riders ay matagal nang inabangan ng marami.

Si Aguilar ay 42 gulang na habang si Mangosong ay 25-anyos pa lamang ngunit marami ang nagsasasabi na lamang pa rin si Aguilar dahil sa kanyang malawak na karanasan.

Ang mananalo sa naturang five-leg series ng centerpiece event Pro Open Production men’s category ay mag-uuwi ng P50,000 habang P20,000 sa second placer at P10,000 sa third finisher.

“Excited kami na palaguin ang sport habang nabibigyan ng pagkakataon ang bawat rider na maipakita ang kanilang potensyal,” sabi ni Generation Congregation Nation director/head Samuel Mark Tamayo sa weekly Philippine Sportswriters Association Forum noong Martes sa Golden Phoenix Hotel ng  Pasay City.

vuukle comment

GLENN AGUILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with