^

Probinsiya

Obrero pinutakte ng bubuyog, patay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pisak ang 33-anyos na farm laborer matapos itong tumalon sa sinasakyang trak habang pinuputakte ng mga bubuyog sa kabundukan ng Barangay Dicamay II sa bayan ng Jones, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Manuel Bringas ang biktima na si Rolan Cacayan ng Barangay Minuri.? Lumalabas sa imbestigasyon na pinutakte ng mga bubuyog ang grupo ng biktima na nasa likuran ng truck na minamaneho ni Marvin Bruno matapos na masagi ang sanga ng punungkahoy na kinalalagyan ng pukyutan sa dinaraanang pataas na kalsada.? Sa mga obrerong tumalon upang makaiwas sa kagat ng bubuyog, tanging si Cacayan ang gumulong sa mabatong daan patungo sa dinaraanan ng trak kung saan siya napisak. ?Isinugod sa Prospero Bello Community Hospital si Cacayan kung saan siya idineklarang patay habang sumuko naman si Bruno sa pulisya.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with