^

Pang Movies

May chance ba? Daniel at Sarah pagtatambalin daw sa pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May narinig kaming bulung-bulungan na maaari raw pagtambalin sa isang pelikula sina Daniel Padilla at Sarah Geronimo. Nagsimula lang iyan nang mag-duet sila sa ASAP. Alam naman ninyo kung gaano kalikot ang isip ng fans, na nang makita iyong dalawa, naisip agad nila na magiging maganda kung magkakatambal sila sa isang pelikula.

Kung matutuloy na magkasama nga sa isang project sina Daniel at Sarah, palagay namin para silang tumama sa mega lotto sa first day ng pelikula.

Iyan ang klase ng pelikulang hindi n’yo dapat sabayan dahil kawawa kayo. Palagay namin, kung sasabayan iyan ng ibang pelikulang Pilipino, suwerte na kung makakuha sila ng sampung sinehan, may mga Ingles pa kasi eh.

Palagay namin tama ang chemistry. Una ang pagtatambal nilang dalawa ay hindi sisira sa kanilang mga love team. Hindi banta si Sarah kay Kathryn Bernardo. Hindi rin naman banta si Daniel kay Matteo Guidicelli.

Parehong malakas ang following nina Sarah at Daniel. Huwag na nating sukatin iyong kinita ng kanilang mga pelikula, o iyong ra­tings ng mga TV show nila. Hindi kasi nila maaangkin iyon dahil may kasama silang iba pang mga artista. Pero nakita natin, on their own, kung papaano nila pinupuno ang Araneta Coliseum. Kung nagawa nila iyon on their own, ano pa kaya kung magkasama sila?

Palagay namin, kahit na sa isang concert nga pagsamahin ang dalawang iyan ay magiging nakapakalaking hit. Kaya lang hindi naman wise dahil palalakihin mo pa ang gastos mo eh kaya naman nila iyon ng solo. At saka saang venue ba naman sa Metro Manila maaaring gawin iyon? Huwag na ninyong ituro sa amin iyong Philippine Arena, dahil mahihirapan namang dumayo pa ang fans sa Bocuae, Bulacan.

Pero kung iyang dalawang iyan ang pagsamahin mo, jackpot iyan. Baka iyan ang gumawa ng panibagong box office history. Kaya nga lang, may nasimulan na raw pelikula si Sarah. May ilalabas namang serye sa telebisyon si Daniel. Kaya kung matuloy man iyan, matagal pa.

Remake ng Mulawin atat nang ipambala ng Kapuso

Sinasabi ng mga insider na mukha raw mas matindi ang nadaramang excitement ng kanilang network sa pagre-remake nila ng Mulawin na ang magiging titulo ay Mulawin vs. Ravena.

Bakit nga hindi, eh iyang Mulawin ang talagang bumuhay nang husto sa network nila. Sa totoo lang, medyo natatabunan na sila noon, pero inilabas ang Mulawin at muling nabuhay ang GMA-7.

Naging sakit ng ulo ng mga kalaban iyang Mulawin at naging big stars agad ang mga bida na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Kung ganyan nga ba, hindi ka mae-excite?

Leading man ayaw magbaba ng TF!

May tsismis sila na kaya raw hindi matuloy ang isang project ay hindi talaga dahil sa hanggang ngayon ay mataba pa ang leading lady, kung hindi dahil ayaw pumayag ng leading man sa tawad nilang talent fee.

Tsismis lang naman iyan. Pero dapat maging wise talaga ang leading man at humataw na siya sa presyo kung gagawin niya ang project na iyan. Make or break project niya iyan eh.

Kung iyan ay kikita nang malaki, na uncertain naman sa kasalukuyang panahon, magiging pabor nga iyon sa kanilang career. Kung bumaliktad ang proyekto, the end na sila. Kung isusugal mo nga naman ang buong career mo ng walang kasiguruhan, eh ‘di siguruhin mo mang bumaliktad man iyon ay may kinabukasan ka na.

vuukle comment

DANIEL PADILLA AT SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with