^

Para Malibang

Sino’ng mas Unang Nagloloko sa Relasyon?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

* Naku ‘di  ba no. 1 ang lalaki pagdating sa pagloloko? Pagkatapos na nilang masimsim ang bango naming mga babae. Aba, hindi pa nakuntento dahil maghahanap na naman sila ng iba.  Para biktimahin at para bang ariing sa kanila ang mga babae. Dahil naghahanap na naman sila ng challenge sa isang relasyon. Hmmp. – Beth, Marikina

* Hindi naman mga babae ang nauuna, kundi ang mga lahi ni Adan. Oo, may babaeng nagloloko, pero marunong kaming matuto sa pagkakamali namin. Hindi katulad ng mga lalaki, ilang beses at paulit-ulit ang ginagawang pag-oober da bakod. Sorry raw, pero ginagawa pa rin. – Clang, Navotas

* Sino ba ang paulit-ulit na nagiging mukhang “tanga” sa isang relasyon, ‘di ba kaming mga babae? Dahil ginawa na namin ang lahat. Hindi ko mawari bakit nagloloko pa rin ang mga dyowa at asawa? Hindi kami ang unang niligawan at nilapitan nananahimik nga ang buhay namin. Tapos sa bandang huli paiiyakin lang pala kami. - Sunshine, Mendez

* Meron ding mga babaeng unang nagloloko. Pero hindi naman lahat. Mas marami pa rin sa mga kababaihan ang nananatili sa relasyon kahit anong mangyari. Kaya nga gusto ng mga foreigners ang mga Pinay. Dahil faithful, family oriented, at nagtitiis sa hirap at ginhawa sa isang relasyon. – Donna, Isabela

* Para ‘di magloko sa dalawang party, sa umpisa pa lang ay magkalinawan na ng mga gusto at mga puwedeng pag-awayan. At kung paano ito maaayos. Dapat tuparin ang promise na walang iwanan.  Kapit lang. Dapat mag-partner sa lahat ng bagay lalaki man o babae kapag nabaling sa iba ang atensyon tiyak magloloko nga ‘yan. – Zusette, Cubao

vuukle comment

PAGLOLOKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with