^

Dr. Love

Ginawang kontrabida

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Parehong kaming balo ng karelasyon ko ngayon at napag-uusapan na rin ang tungkol sa kasal. Pero nagdadalawang-loob akong mag-propose sa kanya dahil sa nagiging maling imahe ko sa kanyang mga anak.

Nagkahiwalay muna si Aida at ang dati niyang asawa bago siya nabalo. Itinago niya sa kanyang mga anak na nambababae ang kanilang ama kaya niya ito hiniwalayan at bumalik siya bitbit ang mga bata sa kanyang mga magulang.

Nang mga sandaling ‘yun na hiwalay sila ay nabalo naman ako. Nagkasakit ang misis ko at hindi na naka-recover. Ako ang naging takbuhan ni Aida sa mga sama ng loob niya sa asawa. Wala naman problema sa akin ‘yun dahil noon pa mang wala pa kaming kani-kaniyang partner ay may gusto na kami sa isa’t isa.

Pero ang problema, dahil hindi ipinagtapat ni Aida sa mga anak niya ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng pumanaw na rin niyang asawa, ako ang sinisising dahilan ng mga bata sa pangyayaring ‘yun.

Inaakala nilang ako ang dahilan ng hiwalayan at third party sa pagkasira ng relasyon ng kanilang magulang. Kaya naman magaspang ang trato nila sa akin, bagay na pumipigil sa akin na tuluyang gawing legal ang relasyon namin ni Aida.

Nagmumukha kasi akong kontrabida sa kanyang mga anak, hindi ko tuloy maipadama sa kanila ang malaking hangarin kong ituring silang tunay na anak, bigyan ng pangalan at maging tagapagmana ng kaunting kabuhayan na maiiwan ko sa sandaling makasal na kami ng kanilang ina.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Hihintayin ko po ang payo ninyo.

Gumagalang,

Efren

Dear Efren,

Walang ibang nakakatulong sa’yo para mawala ang maling akala ng mga bata, kundi si Aida rin. Kaya kausapin mo siya nang masinsinan at i-open ang kalooban mo. Kung tunay ang pagmamahal niya sa’yo, mauunawaan ka niya at sisikapin matulungan para ganap nang maging buo ang inyong pamilya.

Best wishes in advance sa inyo ni Aida!

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with