^

Bansa

Kaso vs PPDCI-JKG ibinasura

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dinismis kamakailan ng Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 209 dahil sa kawalan ng basihan ang kasong falsification laban sa Power Plates Development Concepts Inc. (PPDCI) at Dutch company J. Knieriem B.V. Goes (JKG) for lack of probable cause.

Ang PPDCI-JKG ang nanalong joint-venture bidder sa Motor Vehicle Standardization Project (MVPSP) ng Land Transportation Office (LTO). 

Nauna rito, isinasaad sa information na isinampa sa korte laban sa mga nasasakdal noong Agosto 2016 na peke umano ang Audited Financial statement na isinumite ng JKG at PPDCI sa bidding noong Mayop 8, 2013 at labag umano ito sa Government Procurement Act.

Gayunman, sa tatlong pahinang desisyon noong Pebrero 14, 2017, dinismis ni Judge Monique A. Quisumbing-Ignacio ang kaso sa katwirang ang pagkakasumite ng mga dokumento na hindi siyang kinakailangang financial statement ay hindi nangangahulugan na ang mga dokumento ay pinalsipika o naglalaman ng maling impormasyon.

Ayon sa korte, walang ebidensiyang pinalsipika ang mga dokumento. Ang isinumite ng akusado ay mga dokumentong hindi naman kailangan sa bidding at ito ay hindi labag sa Republic Act No. 9184.

Matatandaang ang nasabi ring kaso ang basihan ng alegasyon ni Harry Roque laban kay Atty. Ron salon na kinasuhan dahil sa papel nito bilang abogado ng PPI at JKG bukod sa akusasyon na may kaso itong plunder sa Department of Justice at may arrest warrant laban dito.n Paulit-ulit nang pinabulaanan ni Salo na may kinalaman ito sa kaso.

vuukle comment

PPDCI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with