^

PSN Showbiz

James ipinagmalaki ang Luster ni Nadine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Makikita ang pagmamalaki ni James Reid sa GF niyang si Nadine Lustre sa comment na “Man, im a lucky guy.” Comment ito ni James sa picture ni Nadine sa social media account ng photographer na si BJ Pascual na siyang kumuha para sa inilabas na fragrance line ni Nadine called Luster By Nadine.

Ang ganda ng photos ni Nadine na kuha ni BJ. Nailabas ang kanyang kaseksihan without showing a lot of skin. ‘Yun ngang picture ng aktres na pinag­reakan ni James, naka-bra si Nadine, pero walang masyadong nakita dahil tinakpan ng mahaba niyang buhok at may hawak itong bouquet of flowers.

Anyway, ang nabasa namin, sa online pa lang available ang Luster By Nadine at limited edition ito. Kaya bisitahin na ang website kung saan makakapag-order ng fragrance line ni Nadine.           

Rhian pasok SA Mulawin vs. Ravena

May patikim na sa Twitter ang Mulawin vs. Ravena, inilabas na ang initial cast ng fantaserye na ang picture na nakalagay ay parang balahibo ng ibon. Nakita namin ang picture ni Dennis Trillo na gaganap sa role ni Gabriel at ibang cast na na-announce na gaya nina Roi Vinzon, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Winwyn Marquez, at iba pa.

May nakapagbulong sa amin na kasama si Rhian Ramos sa cast ng Mulawin vs. Ravena, pero makukumpirma lang ito ‘pag nag-storycon na ang fantaserye. Ang reboot ng fantaserye kaya ang tinutukoy ni Rhian sa tweet nitong “I’m excited for my next role, i just don’t know when i’ll be taping for it yet. =).”

Ang Mulawin vs. Ravena ang sinasabing papalit sa Encantadia 2017.

Bret, patago ang panliligaw sa Kapamilya young actress

Matindi pa rin ang crush ni Bret Jackson kay Jennylyn Mercado dahil last Valentine’s Day, binati nito ang Kapuso actress ng “Happy Valentine’s Day Jennylyn” at tuwang-tuwa nang sumagot ang aktres ng “Aysus! Hi Bret!”

Sumagot uli si Bret ng “Best Valentine’s Day Ever” dahil nga sumagot sa kanya si Jennylyn. Tuwang-tuwa ang fans ni Bret at tinukso siyang ‘wag ide-delete ang sagot ng Kapuso actress para may remembrance siya.

Hindi lang si Bret ang may crush kay Jennylyn, ang daming young actors ang may gusto sa kanya at may mga naiinggit pa nga na si Gil Cuerva ang kapareha nito sa My Love From the Star.

Pero totoo bang may ABS-CBN at Star Magic talent na nililigawan si Bret? Biniro nga ito na pagdating sa young actress (YA) at sa manager nito, hindi man lang siya maka-first base. Kaya patago ang panliligaw niya kay YA dahil ayaw sa kanya ng manager nito.

Marian protektado si Boobay

Mahal talaga ni Marian Rivera ang BFF niyang si Boobay dahil hindi lang niya ito tinulungan sa medical bills nang ma-stroke, concerned din ito na hindi mabastos ang kaibigan. Napansin namin na habang ini-interview si Boobay, bumukaka ito at nakaharap sa cameraman. Ang ginawa ni Marian, sinaway si Boobay at siya pa ang nagtiklop ng dalawang hita ng kaibigan para hindi makitaan.

Umiiyak pa rin si Boobay ‘pag natatanong sa pagiging savior ni Marian sa kanya.

Sa Sunday, February 26, mapapanood ang guesting nina Marian at Boobay sa Dear Uge na nagsi-celebrate ng first anniversary.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with