^

PSN Showbiz

Joseph walang regret na ‘di tinuluyan si Alex

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Madalas nang nakikitang magkasama sa publiko si Alex Gonzaga at bagong kasintahan na si Mikee Morada. Ilang buwan nang magkasintahan ngayon ang dalawa. Noong isang taon na walang kasintahan ang aktres ay napabalitang niligawan ang dalaga ni Joseph Marco.

Ayon sa aktor ay mas pinili niyang ma­ging magkaibigan na lamang sila ni Alex kaya hindi na siya nagpursigi sa dalaga. “Hindi ko masasabing best ko ‘yun. Natatakot din kasi akong masira ‘yung friendship namin. I don’t know kung bakit may gano’n akong feeling,” nakangiting bungad ni Joseph.

Wala naman daw nararamdamang pagsisisi ang aktor kahit hindi naging karelasyon si Alex.

“Hindi rin naman ako nagsisisi, you know. Nakikita ko ngayon na happy siya. I know she’s in good hands. So happy na rin ako para sa kanya. And I think friends na sila nung guy. So nang nakita ko naman silang okay, at narinig ko naman na mabait naman ‘yung guy, parang na-at ease naman ‘yung feelings ko na, ‘Okay, happy na ako for Alex,’” pagtatapat ni Joseph.

Leila Alcasid mas enjoy sa ‘Pinas kesa Australia

Kasalukuyang nasa bansa ngayon ang panganay na anak nina Ogie Alcasid at dating asawang si Michelle Van Eimeren na si Leila. Nineteen years old na ngayon si Leila at masayang-masaya ang dalaga na makasama ang ama dahil sa Australia siya nakabase kasama ng ina at kapatid.

“When I came last July for a holiday, I was really drawn to the idea of coming here, and my mom was kind of the one who planted the idea in my head. She saw how much I was enjoying myself and how much I felt at home. So she said, you can come here if you want, nobody’s stopping you,” nakangiting pahayag ni Leila.

Bukod sa pagiging ina ay itinuturing din ng dalaga na best friend si Michelle kaya nahihirapan din na mapalayo sa da­ting beauty queen.

“It was difficult for her because she was going to miss me and I was going to miss her. We’re not used to not seeing each other everyday. It was difficult in that way but in terms of letting me go and encouraging me to go. She had no difficulty because she was being supportive,” pagbabahagi ni Leila.

Ngayon ay nag-aaral ng Tagalog ang dalaga at kumuha na rin ng voice lessons dahil gusto nitong subukang pasukin din ang show business katulad ng mga magulang. Todo rin ang suporta ngayon kay Leila ng asawa ni Ogie na si Regine Velasquez.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with