^

PSN Showbiz

Sarah at Gary hahataw sa concert!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Gary hahataw sa concert!
Sarah at Gary

MANILA, Philippines -  Confirmed na ang major concert ni Sarah Geronimo. At ang makaka-tandem niya, si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Yup, at kakaibang concert daw ang mangyayari ayon sa isang insider ng Viva Live.

Hindi pa raw ito napapanood sa concert nina Sarah at Gary V. kaya ngayon pa lang inaayos na nila ang production.

Last year ay walang naging major concert si Sarah dahil nagbakasyon siya.

Pero ngayon ay back to normal ang lahat sa singer/actress na any moment ay sisimulan na rin ang shooting ng balik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula na inaabangan na ng lahat. Dear Future Husband ang title ng movie na may kilig na agad sa title pa lang.

Cristine, Arci, Sue, and Pokwang magpapagalingan sa i can…

Gagawin nina Cristine Reyes, Arci Muñoz, Sue Ramirez, at Pokwang ang kahit anong bagay para lang aliwin ang mga manonood sa pinakabagong talent-variety program na I Can Do That na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.

Yup, ang apat na Kapamilya stars ang unang celebrity challengers na pinangalanang maglalaban-laban at matapang na gagawin ang iba’t ibang unique talents na hindi pa nila kailanman nagagawa, na may isang linggong paghahanda lamang. Sa huli, isa lang sa walong celebrity entertainers ang tatanghaling Greatest Entertainer.

Anu-anong challenges nga kaya ang kaya nilang gawin?

Ang I Can Do That ay nilikha ng Armoza Formats ng Israel at nagawa na ng lokal na bersyon sa 20 bansa sa buong mundo, kabilang na ang US version nito kung saan ang singer na si Nicole Scherzinger ang itinanghal na unang Greatest Entertainer.

Heart nakabenta na naman ng bagong painting

Nakabenta na naman ng Tres marias painting si Heart Evangelista-Escudero.

Kahapon sa kanyang Instagram account ay ipinakita ang ‘tres marias’ na nasa bagong tahanan na raw. “I will miss you and can’t wait to see you for LMinfullbloom2018 (exhibit).”

Sa painting pa lang, malaki na ang kinikita ni Heart kaya siguro chill chill lang siya kahit wala pang TV show. 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with