^

PSN Palaro

Ateneo, La Salle kakalas sa 3-way tie

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Parehong sasargo ng ikaapat na panalo ang reigning champion De La Salle University at last year’s runner-up Ateneo de Manila University sa magkahiwalay na laro sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sasagupain ng La Salle ang Adamson University sa alas-4 ng hapon habang lalarga naman ang Ateneo laban sa University of the East sa unang laro sa alas-2.

Nakatali sa three-way tie sa ikalawang puwesto ang Lady Spikers, Lady E­agles at National University hawak ang pare-parehong 3-1 baraha habang nasa solong liderato ang University of the Philippines na may malinis na 4-0 marka.

Sa kabilang banda, nakalugmok sa ilalim ng standings ang Lady Warriors at Lady Falcons na wala pang panalo sa kanilang apat na pagsa­lang.

Galing ang La Salle sa 29-27, 25-16, 25-21 panalo laban sa NU noong Linggo upang makabalik sa porma kasabay ng pagdungis sa rekord ng Lady Bulldogs.

Nanguna sa naturang panalo si open hitter Tin Tiamzon na humataw ng 17 puntos mula sa 13 attacks, tatlong blocks at isang ace ngunit ma­laking rebelasyon si Aduke O­gunsanya na nagtala ng 11 puntos tampok ang limang blocks.

Malaki rin ang kontribusyon ni Mary Joy Baron na umani ng siyam na puntos kabilang ang apat na aces gayundin si playmaker Kim Fajardo na gumawa ng 41 excellent sets kasama ang limang puntos.

Kaya naman mapapa­laban ng husto ang Lady Falcons na nagnanais makapasok sa win column.

Ipaparada ng Adamson sina open spikers Gema Galanza at Bernadette Flora na siyang panguhing pinagkukunan ng puntos ng San Marcelino-based squad.

Ngunit kinakailangan ng dalawa ng malakas na suporta mula kina Ronjean Momo, Jellie Tempiatura at Chumcee Caole.

Mataas naman ang lipad ng Lady Eagles na ga­ling sa 25-19, 25-18, 25-13 panalo laban sa Lady Falcons sa kanilang huling laro.

Hahataw para sa Ate­neo sina Jhoana Maragui­not, Michelle Morente, Bea De Leon, Maddie Madayag, Kat Tolentino at setter Jia Morado.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with