^

Bansa

Irespeto si Leila - Koko

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Pag-aresto ‘di haharangin ng Senado

MANILA, Philippines - Hindi haharangin ng Senado sakaling iutos ng korte ang pag-aresto kay Sen. Leila de Lima kaugnay sa drug case nito, ayon kay Senate President Koko Pimentel.

Hiniling lamang ni Sen. Pimentel sa mga pulis na magsisilbi ng arrest warrant na galing sa korte na gamitin ang kanilang common sense.

“Dito papasok ang separation of powers... Hindi po dapat nakikialam ang ibang branches. So respeto lang po tayo,” sabi ni Pimentel sa panayam ng DZBB.

Wika pa ni Pimentel, dapat mayroong respeto pa rin sa gagawing pag-aresto kay de Lima ang mga pulis. Hindi siya puwedeng arestuhin kapag may sesyon ang Senado at dapat magkaroon ng coordination ang arresting officers sa Senate security.

“Coordination na lang yan sa mga arresting officers. They cannot disturb and disrupt the proceedings. Sila (arresting officers) naman ang may gagawing krimen [kung iistorbohin] ang legislative session,” dagdag pa ni Pimentel.

Aniya, hindi na rin kailangan ang resolusyon ng Senado upang masiguro ang kaliPag-aresto ‘di

haharangin ng Senadogtasan ni de Lima sa paglalagakang detention facility.

Magugunita na 3 kaso ang isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa Muntinlupa City regional trial court laban kay Sen. de Lima kaugnay sa pagkakasangkot nito sa Bilibid drug trade noong kalihim pa ito ng DOJ.

“Iyung senador naman na subject ng warrant of arrest, responsible naman pong public official iyan. I’m sure matapos niyang pag-aralan iyan, kung makita niya na on its face ay valid, I’m sure hindi na niya pahihirapan iyung mga law enforcer,” wika ni Pimentel.

Kakausapin din ni Pimentel si de Lima at kanyang aalamin kung ano ang maaring maitulong ng Senado sa senadora.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with