Sa pagdagsa ng mga aplikante… UVVRP exemption, sinuspindi
MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iisyu ng exemption para sa Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme dahil na rin sa pagdagsa ng mga aplikanteng motorista.
Ayon kay MMDA Officer-In-Charge at General Manager Tim Orbos, kailangang rebisahin muna ang mga aplikante dahil sa rami ay baka hindi rin mabawasan ang mga sasakyan at hindi masolusyunan ang trapik sa Metro Manila.
“The volume of vehicles is there, but we have to revisit the policies on the exemptions under the UVVRP because this might defeat the purpose of reducing the number of vehicles on the roads,” paliwanag ni Orbos.
“Ang pag-isyu ng exemption ay hindi aniya mandatory subalit kailangan aniyang sumailalim muna ito evaluation,” dagdag pa ni Orbos.
Pinaalalahanan din ng MMDA ang publiko na base sa MMDA memorandum circular na kahit aniya wala itong exemption certificate, awtomatikong pinapayagan ang motorista na kahit coding ito ay maaaring gamitin ang mga pangunahing lansangan nang hindi huhulihin kapag emergency, official at marked media vehicles at iba pa.
Sa ilalim ng UVVRP, ang sasakyang may plakang 1 at 2 ay bawal sa mga pangunahing kalsada tuwing Monday habang ang 3 at 4 naman ay tuwing Martes.
Samantala, ang 5 at 6 ay tuwing Miyerkules; 7 at 8 ay tuwing Huwebes habang ang 9 at 0 ay tuwing Biyernes.
Wala namang number coding kapag weekends at regular holidays.
- Latest