^

Dr. Love

Biglang nagbago si Misis

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Problema ko po ang biglang pagbabago ng aking misis. Sa isa’t kalahating taon naming pagsasama mula nang ikasal at magkaanak ay hindi ko po maintindihan kung bakit hindi na siya gaya ng dati.

Twenty-five years old siya at isang teacher nang magkakilala kami sa radio station kung saan ako ay isang technician.  Minsan siyang nag-guess at naakit ako nang husto sa kanya. Kinuha ko ang cell phone number niya at nang lumaon ay nagkaroon kami ng relasyon.

Noon una ay masaya ang pagsasama namin, pero nang magka-baby na kami ay pintigil ko na siya sa pagtatrabaho para matutukan niya ang aming baby. Simula noon ay naging bugnutin na siya at halos gusto niyang kontrolin ang bawat galaw ko.

Gusto niya, lagi ako sa bahay. Kapag niyayaya ako ng mga kabarkada ko para mag-basketball, nagagalit siya. Ang huling ingkwentro namin ay nang tutulan niya na sumama ako sa aming team building sa opisina. Ayaw niya akong mag-over night stay.

Hindi niya na ako kinibo mula noon at ayaw na rin akong sipingan. Minsan tuloy ay natutukso akong sumama sa night out ng mga officemate ko para makalimot sa mga problema.

Talaga po bang ganoon ang mag-asawa? Iba ang ugaling ipinakikita sa ligawan at panahon ng pagiging steady? At kapag mag-asawa na, mahirap nang ispelengin ang ugali.

Payuhan mo po ako kung ano ang dapat kong gawin. Mahal ko naman po ang aking asawa at anak pero siya po ang gumagawa ng dahilan para magbago ako sa kanya.

Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Mike

Dear Mike,

Ang pag-aasawa ay isang life-time adjustment, pero hindi ibig-sabihin na kung ano ang nakita mo sa umpisa ay ‘yun na hanggang sa huli. Huwag mong bigyan ng puwang ang night out dahil panibagong problema lang ‘yan, Kung mahal mo ang asawa mo, alamin mo ang dahilan ng pagbabago niya at tulungan siyang mapanatag.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with