^

PSN Showbiz

Annulment ni Daiana Menezes sa asawang ex-congressman, ibinigay na ng korte

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Annulment ni Daiana Menezes sa asawang ex-congressman, ibinigay na ng korte

Daiana Menezes

Kaya pinanghihinayangan Catriona may pinakamagandang sagot daw sa Q&A

PIK: Hanggang ngayon ay suportado pa rin pala si Rhian Ramos ng mga grupo ng tibo dahil sa kanyang The Rich Man’s Daughter. Abala si Rhian sa promo ng Saving Sally at sa mga mall shows nito ay sumusunod ang ilang grupo ng mga tomboy para suportahan siya.

Nag-promote siya sa Shopalooza Bazaar ng Marikina Riverbanks kamakalawa ng gabi, at nagulat kami na sumasama sa fans club niya ang ilang mga tomboy na tumitili rin. Mainit ang pagtanggap kay Rhian sa mga mall shows at suportado ito ng mga tibo at miyembro ng LGBT community.

PAK: Ayaw pa munang magsalita ng Brazilian actress/TV host na si Daiana Menezes pero masa­yang-masaya siya ngayon dahil na-grant na ng korte ang annulment case nila ng asawa niyang si dating Congressman Benjo Benaldo. Matagal din daw niyang ipinagdarasal iyon, at naloloka na siya sa laki nang nagagastos niya. Pero no comment daw muna siya nga­yon sa pagiging malaya niya uli.

Hindi rin siya nag-comment sa nari­nig na­ming may bagong karelasyon na napakayamang bu­siness­man daw.

Ang pagkakaalam namin may iba pa siyang ka­so laban sa dating asawa kaya binigyan din siya ng korte ng Permanent Protection Order laban dito.

BOOM: Ang daming nanghina­yang sa ‘di pag­ka­­pa­sok ng kandida­ta nating si Catriona Gray sa Top three ng Miss World. Halos iisa ang komen­to ng mga nakapanood na sa kanilang lima, si
Ca­­­trio­na ang may pinakamagandang sagot sa Q&A portion. Pero mukhang iba ang type ng mga judges kaya hanggang Top five lang siya.

Pero masaya na rin si Catriona dahil sa sobrang suporta sa kanya ng mga Pinoy. Kaya na-fast track siya sa Top 20 dahil Multimedia winner siya at napadali ang pagpasok sa Top five.

Hindi itinatanggi ni Catriona na kaya na-achieve niya iyon ay dahil sa suporta ng kapwa Pinoy sa buong mundo.

Nagparating ng mensahe ang ma­nager ni Catrio­na na si Jonas Gaffud na tanggapin ang desis­yon ng judges. Masaya raw tayo at lumaban naman nang husto si Catriona. Kagaya raw ng mga Pi­noy, halos lahat ay si­nu­­­por­tahan at nakipaglaban din sa kani-kanilang kandidata. Masaya raw siyang nakipagtsikahan sa isang Puerto Rican na masayang-masaya sa pag ka­­­­­panalo ng kanilang kandidata. Proud daddy raw pala ito ng nanalong Miss World. Kaya mas mabuting tanggapin na lang na lahat ay sumuporta sa ka­nilang kandidata.

“Remember this: We are not alone in this world. There are others,” bahagi nang ipinost niya sa kanyang Instagram account.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with