^

PSN Showbiz

Forever Sucks at Bolero Rap Battles, umabot ng milyun-milyon ang nanonood

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hit na hit ang dalawang web show ng D5STUDIO Originals na Fore­ver Sucks at Bolero Rap Battles dahil umabot ng milyun-milyon na hit ang kanilang mga episode.

Simula nang magsimula ang Forever Sucks noong February, hindi na ito naawat at nagkaroon ng loyal following na karamihan ay mga millennial fan-base.

Ang show ay pinagbibidahan ni Jasmine Curtis-Smith as Izabel, isang 170-year-old na bampira na nagpapanggap na normal na tao na nasa kanyang 20s. Ngayon nga ay nagbabalik si Jasmine na may bagong love interest.

Kahit na umalis ang nauna niyang leading man sa season 1 na si JC Santos, nananatili pa ring solid ang mga nanonood ng Forever Sucks. Si Felix Roco ang bagong leading man ni Jasmine as Kiko.

Isa sa pinakamaatas na views ay ang Halloween episode nila noong October 21 na umabot pa sa tatlong milyon.

Samantala, ang isa pang show na dapat abangan ay ang Bolero Rap Battles na title pa lang ay tiyak na magugustuhan ng mga hip-hop fans.

Hosted by hip-hop superstars Ron Henley and Loonie, Bolero Rap Battles is actually a fresh spinoff of the biggest rap battle league in the country, Fliptop Battles.

“Purian, hindi siraan!” daw ang konseptong ipinaiiral sa show na ito na talagang malayo sa nakagisnan nang rap battle na puro okrayan.

Bawat battle, 300,000 views ang inaani ng Bolero Rap Battles at sa kahalatan, umabot na ito sa 3.5 million views. Kamakailan lang ay nagtapos ang battle na pinaglabanan nina Apekz at Shernan.

Mapapanood ang D5STUDIO’s original shows ng libre online sa http://www.d5.studio.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with