^

PSN Showbiz

Aga balik love story, pinapapayat lang ni Direk Maryo!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami ang natuwa nang unang mamalas si Aga Muhlach sa pag-welcome sa kanya ng ABS-CBN. Hindi naging obvious sa harap ng camera ang taba na kanyang na-gain. Mapayat ba talaga siya o baka naman naitago lamang ng suot niyang jacket ang unwanted pounds na hindi pa niya natatanggal? Ob­vious kasi na habang nagtatagal siya sa pag-upo bilang judge sa Pinoy Boy­band Superstar ay mas parang nadadagdagan ang timbang niya. Eh ang da­ming offers na kailangan niyang pag-isipan after his stint in PBS na ang isang movie ay gustung-gusto ga­win ni direk Maryo J. de­los Reyes na siya ang bida.

At kung ibabase sa tagumpay ng The Unmarried Wife, Aga will be in good hands. Kailangan lang talaga na magpatuloy ang pagpayat niya dahil, for sure, isang love story ang ipagagawa sa kanya. Hindi pa siya bagay gumanap na tatay sa kahit na sinumang teenage Kapamilya artist. Pasadung-pasado pa siya bilang lover sa kabila ng pagkakaro’n ng grown up twins na sina Atasha and Andres na madalas niyang mabanggit sa paghu-host niya ng PBS.

Barbie at Jennylyn isinugal sa mga baguhan

Newbies ang ipapareha ng GMA kina Jennylyn Mercado at Barbie Forteza sa kanilang mga bagong TV series. Pero ‘di tulad ni Barbie na apat-apat ang mga makakapareha sa Meant To Be, si Jennylyn ay ay iisa lamang pero, baguhan  din at wala pang pangalan sa larangan ng pag-arte. Makakasama niya ito sa My Love From the Star, isang remake ng isang popular Koreanovela.

Ito ay ang modelong si Gil Cuerva, at baka matagalan pa ang pagsisimula nila ng taping dahil kailangang sumabak ang Fil-Spanish model sa mga workshop at si Jennylyn naman ay tatapusin pa ang hosting job niya sa Superstar Duets.

Dennis mas pinili si dingdong kesa kay Julia

Hindi naman siguro mamasamain ni Julia Barretto na mas binigyan prayoridad ng ama niyang si Dennis Padilla ang taping ng Alyas Robin Hood kaysa sa ang role nito bilang ama niya sa filmfest entry niyang Vince & Kath & James. Madalas nagkakasabay ang taping ng serye at shooting ni Julia kaya no choice si fatherhood kundi pahalagahan ang mas nauna niyang commitment.

Makasisiya kay Julia na panonoorin ng kanyang ama ang movie nila nina Ronnie Alonte at Joshua Garcia. Buong tapang nga nitong sinabi na baka ito ang mag-top grosser sa MMFF 2016.

Pauleen pinagbintangang buntis kahit nagpabunot lang ng ngipin

Malaking pressure para kay Vic Sotto ang pagbubuntis ni Pauleen Luna, nagpabunot lang kasi ito ng ngipin kaya nag-absent sa Eat Bulaga pero, ipinalagay na ng lahat na buntis ito kaya wala sa show.

Kinailangan ni Bossing Vic na klaruhin ang pagkawala ng misis niya sa show. Kung ang mga follower nila ay init na init nang makitang magkaro’n sila ng anak, eh ‘di lalo na sina bossing Vic at Pauleen na ang pagkakaro’n ng anak ang mas magpapatibay sa kanilang marriage.

Cast ng Hahamakin…, super close off cam

Kahit kuwento ng galit at paghihiganti ang mga eksena sa Hahamakin Ang Lahat, hindi maitatago ang closeness ng cast members nito off-cam sa kanilang mga post sa social media. Kung sa telebisyon naiinis kami sa mga eksena nila, aliw naman kami sa kanilang Instagram posts.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with