^

PSN Showbiz

Ronnie gamit na gamit ang sex video!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Successful ang 4th Fami­ly and Child Summit ng MTRCB na ginanap sa Siena Hall ng Siena College sa Quezon City nung nakaraang December 3, na pinangunahan ng MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal.

Ang tema ng naturang summit ay Ang MTRCB at ang Media Tungo sa Pagsulong ng Ka­ma­layan Para sa Katutubo sa Pamamagitan ng Matalinong Pa­­nonood.

Isa sa umupong nasa pa­nel ay ang kilalang si Badjao girl ng PBB na si Rita Gaviola, na ang tuma­yong mo­derator ay ang mag-asawang Raffy Tima at Mariz Umali-Tima ng GMA News and Public Affairs.

Sa naturang summit ay nagkaroon ng awareness at sensitivity sa karapatan ng ating mga indigenous people na kung paano sila inilala­rawan sa telebisyon at pelikula.

PAK: Hindi itinatanggi ni Ronnie Alonte na malaki ang naitulong ng pagka­sangkot niya sa sex vi­deo scandal kaya lalo siyang nakilala at tuluy-tuloy na gumanda ang kanyang career.

Si Ronnie nga ang lumalabas na bida sa entry ng Reality Films na Seklus­yon ni Direk Erik Matti,  at isa rin siya sa mga bida sa Vince & Kath & James ng Star Cinema na parehong entry sa Metro Manila Film Festival.

Sa mga presscon nito ay iyong sex video scandal ang natatanong na iti­na­tanggi naman niya.

Tingin ko po nakatulong kasi siyem­pre pinag-usapan talaga ng mga tao. ‘Sino ba to? Na-curious sila kung sino ako. Nakita nila at napapa­no­od nila sa Showtime everyday. Ah ito pala si Ronnie Alonte.

Medyo nakatulong,” napapangiti niyang paha­yag.

Pero kahit aminado siyang may pag­ka-naughty itong miyem­bro ng Hashtag, never naman daw niya nagawa ‘yun kahit may nagyaya sa kanya na
ma­ki­pag-sex on cam.

Kaya malabo raw na talagang siya iyong pinagpiyestahan ng mga kaba­dingan sa video.

BOOM: Suportado ni Luis Manzano ang kasinta­hang si Jessy Mendiola sa pre­­miere night ng Mano Po 7: Chinoy na ginanap sa Cinema 9 ng SM Megamall nung isang gabi.

Dumating ang Kapamilya actor/TV host dahil pa­ngako nga raw niya kay Jessy na sasamahan niya at panonoorin ang naturang pelikula.

Tawang-tawa naman si Jean Garcia na nagkaroon daw ng fans ang tandem nila ni Richard Yap sa Mano Po 7.

Ang lakas ng tili ng mga fans sa mga eksena nila ni Papa Chen, dahil may chemistry naman kasi ang dalawa.

Pero kay Jomari Yllana nali-link si Jean na itinatanggi naman niya. Sabi ni Jean, wala raw masama kung nakita silang magkasama ni Joma­ri na naghu-holding hands sa Solaire kamakailan lang.

“We watched the concert of Radha, yung The Big Big Show.

“Wala naman yun eh. Nagkasama kasi kami ni Jomari for two years sa

The Half Sisters, pero wala talaga. We’re good friends talaga.

“Hindi namin alam bakit biglang ganun eh. Pinagtatawanan na lang namin na oh, sabi ko sa kanya, sa presscon tinatanong tungkol sa ating
dala­wa, tawa lang siya nang tawa.

Kasi iyun naman talaga ang totoo na we’re very very good friends talaga,” pahayag ni Jean sa premiere night ng Mano Po 7 na magsu-showing na sa December 14.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with