^

PSN Showbiz

Janine nagrebelde sa break up nila ni Elmo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kilala si Janine Gutierrez sa pagiging sweet ang image kaya marami ang nagulat sa kanyang sexy pictorial para sa 2017 calendar ng isang gasolinahan kung saan nakasuot ito ng two-piece black bikini.  Napakaganda nang kinalabasan ng pictorial dahil napaka-classy ng dating niya.

I wonder kung ano ang magiging reaction ng kanyang ex-boyfriend na si Elmo Magalona kapag nakita nito ang kanyang sexy pictorials.

Samantala, may mga nagsasabi naman na tila nag-rebelde umano si Janine after her break-up with Elmo kaya ito nagpaka-daring sa kanyang pictorial na agad namang dinipensahan ng kanyang mga tagahanga.

May `K’ as in karapatan si Janine na ilantad ang napakagandang hubog ng kanyang katawan.

Dahil sa sexy calendar pictorial ni Janine, malamang na tanggapin din nito ang pagku-cover sa FHM na ginawa noon nina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Angel Locsin, Jessy Mendiola at maraming iba pa.

Kaye at Jake, anak agad ang tatrabahuin

Ngayong ganap nang mag-asawa sina Paul Jake Castillo at Kaye Abad at magbi-base na sa Cebu ang aktres tulad ng ginawa ng singer-actress na si Donna Cruz nang mapangasawa nito ang Cebuano doctor-husband niyang si Dr. Yong Larrazabal.

Kung si Kaye lamang ang masusunod, gusto niyang magkaroon agad sila ni Paul Jake ng baby at nais nilang magkaroon ng tatlong anak.

Kahit may asawa na, open pa rin umano si Kaye sa kanyang showbiz career pero kapag nagkaroon na siya ng anak ay hindi na siya tatanggap ng regular show o TV series dahil priority na ang kanyang bubuuing pamilya.

Ilan sa mga showbiz friends ni Kaye ang na­mataan sa wedding nila ni Paul Jake ay sina Jason Abalos, Camille Prats, Pooh, Patrick Garcia at iba pa.

Lourdes Elementary School may christmas party

Nais ibalita ni Jess Osida (ng ABS-CBN) na magkakaroon umano ng Christmas party ang Lourdes Elementary School on December 17 na gaganapin sa Volleyball court ng Quezon Memorial Circle. Imbitado raw ang mga taga-Lourdes, Wagdas at Tokio ng Pandan, Catanduanes, Bicol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with