^

PSN Showbiz

Coco lumulusog ang hitsura!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi dumalo si Ian Lorenos sa red carpet premiere ng Mano Po 7:Chinoy dahil busy siya sa paghahanda para sa kasal niya kahapon. Si Ian ang direktor ng Mano Po 7:Chinoy.

SCENE: Nagiging malusog si Coco Martin at ebidensiya ang kanyang namumutok na pisngi sa mga eksena niya sa Ang Probinsyano.

SEEN: Hiyang si Luis Manzano sa Thailand vacation nila ni Jessy Mendiola dahil lumusog din ang katawan niya nang magpakita siya sa premiere ng Mano Po 7: Chinoy,

SCENE: Binago ng make up ang mukha ni Kaye Abad sa araw ng kasal nila ni Paul Jake Castillo sa Cebu City noong Biyernes. Radiant bride si Kaye sa Francis Libiran wedding gown na suot niya.

SEEN: Nagluluksa si AiAi delas Alas at ang kanyang mga anak dahil namatay sa panganganak ang kanilang pet dog na si Shari. Parang tunay na tao ang trato ni AiAi kay Shari.

SCENE: idineklara kahapon sina Coco Martin at Judy Ann Santos bilang mga Hall of Famer ng Anak TV Seal Awards.

SEEN: Ang rare picture together nina Miss World 2013 Megan Young, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss International 2016 Kylie Verzosa.  Malaki ang kinalaman ng Aces & Queens sa tagumpay nina Megan, Pia at Kylie sa mga international beauty pageant. Ang Aces & Queens ang naghasa at nagsanay kina Megan, Pia at Kylie sa pagrampa at question and answer nang sumali sila sa local and international beauty contests.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with