^

PSN Showbiz

Mas enjoy na single, Angelica niregaluhan ng libro ang sarili

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan nga­yon ang pelikulang The Unmarried Wife na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Paulo Avelino at Dingdong Dantes. Masayang-masaya si Angelica dahil tumabo nang husto sa takilya ang nasabing pelikula. “Parang nagsusu­ma­bog ang saya ko. Believe it or not, napagod talaga kami sa pelikulang ito at medyo madami nga siyang pinagdaanan bago siya nabuo. Nakakataba ng puso, nakakawala ng pagod na makita mong maraming taong naging inte­resado na mapanood ang pelikula,” nakangiting pahayag ni Angelica.

Hinahanap-hanap na raw ng aktres ang paggawa ng teleserye dahil ilang buwan na rin siyang hindi napapanood sa isang soap opera. “Malamang pagdating ng January, may naka-schedule na meeting, pagpi-pitch na ang mga bagong project. Titingnan natin kung ano ang maganda sa mga iyon,” pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, sa ngayon ay wala pa ring kasintahan si Angelica at masaya naman daw siya sa pagiging single. “After no’ng natapos ang pelikula, for the first time na nag-mall ako and natuwa ako kasi bumili ako ng mga libro. Parang ayan, may Christmas gift na ako sa sarili ko, parang nag-bookstore ako at naka 5,000 ako. ‘Yon na ‘yon, sobrang simple ng happiness ko,” nakangi­ting kwento ni Angelica.

Liezel hinanapan ng boyfriend ang ex

Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang magkahiwalay sina Liezel Garcia at Bugoy Drilon. Nanatili naman daw ang pagiging magkaibigan ng dating magkasintahan ayon kay Liezel. “Ang maganda po do’n kasi nag-start naman po talaga kami na mas matagal ‘yung friendship namin kumpara mo sa naging kami. Ayun ‘yung tini-treasure namin talaga,” bungad ni Liezel.

Sa ngayon ay ang Amerikanong si Justin Eagle ang bagong kasintahan ng singer. Nakabase ang lalaki sa West Virginia, U.S.A. at mismong si Bugoy pa raw ang nagpakilala kay Justin sa dalaga. “Actually ang hirap. Talagang involved pa rin po si Bugoy kasi friend po niya. Tapos na-meet ko po sa kanya. Kasi sa circle of friends po namin, talagang si Bugoy po ‘yung talagang pinaka-friendly. Kumbaga, ma-chika po kasi siya, ma-PR so siya ‘yung hindi mahiyain sa group namin,” pagbabahagi ni Liezel.

Dapat daw ay pupunta sa Pilipinas ngayong buwan si Justin upang makapagdiwang ng Pasko kasama ni Liezel pero hindi ito natuloy. “Bago pa lang kami so parang more on FaceTime kami. Ang plan namin magkita kami this year but then hindi natuloy kasi nga medyo busy. Siya rin busy sa work and ako rin so hopefully next year, 2017 is the year for us to see each other,” dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with