^

PSN Showbiz

Mga bida ng Meant To Be pinagkaguluhan sa Cebu!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumog ang fans sa back-to-back Kapuso Mall Shows ng upcoming GMA Telebabad series na Meant To Be sa Cebu nitong December 3. Mainit na sinalubong ng Cebuanos ang mga bida ng nasabing Kapuso romcom nang bumisita ang mga ito sa Gaisano Capital SRP Talisay at Gaisano Capital South.

Sweet at puno ng kilig ang Saturdate na handog nina Barbie Forteza, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner sa kanilang fans bilang bahagi ng promo tour ng kanilang light romance drama na mapanuod na sa Enero.

Overwhelmed ang Meant To Be Princess na si Barbie sa na­ging pag-welcome sa kanila. “Daghang salamat, mga Kapusong Cebuanos, sa mainit na pagtanggap ninyo sa cast ng Meant To Be kahit ‘di pa kami umeere,” sabi ng dalaga.

Agree naman dito ang Kapuso hunk na si Jak na isa sa leading men sa series. “Sobrang na-enjoy po namin ang pagbisita namin sa Cebu. Sana po sa pagbalik namin, ganun pa rin ang pagtanggap ninyo sa amin. Naramdaman namin yung pagmamahal ninyo. God bless you always,” sabi ni Jak.

Nagkagulo ang mga fans nang mag-perform ang heartthrobs ng kani-kanilang song numbers. Napuno ng malakas na hiyawan at excitement ang event nang imbitahan nina Jak, Addy, at Ivan ang ilang masusuwerteng fans sa stage.

“Salamat po sa energy at lakas ng boses na binigay ninyo sa mga mall show,” sabi ng bagong Kapuso star na si Ivan.

Kamakailan lamang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center si Ivan kasama ang kanyang co-star na si Addy, na very happy sa naging pagtanggap ng kanilang Cebuano fans. “Sobrang masaya ako kasi sobrang heart-warming ng pag-welcome ninyo,” sabi ni Addy. “Ang sarap ng lechon ninyo! Babalik ako sa Cebu,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Barbie, “Napakasaya ninyo pong kasama kaya sana po makabalik kami sa Cebu. Sana po suportahan ninyo ang first GMA drama offering ngayong 2017.”

Kasama rin sa Meant To Be ang Kapuso star na si Ken Chan. Sa series na ito, ang simpleng dalagang si Billie (Barbie) ay makikilala ang apat na poging lalaki (Jak, Addy, Ivan, at Ken) mula sa iba’t ibang lahi at mai-inlove sa kanya. Dapat abangan ng viewers kung sino sa kanila ang pipiliin ni Billie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with