^

PSN Showbiz

Rhian 19 lang nang gawin ang pelikulang kasali sa MMFF! Young actress sinasampal at binabatuk-batukan ang actor na dyowa/loveteam pag nagseselos!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Rhian 19 lang nang gawin ang pelikulang kasali sa MMFF! Young actress sinasampal at binabatuk-batukan ang actor na dyowa/loveteam pag nagseselos!

Rhian Ramos

PIK: Ang pelikulang Saving Sally pala ang first indie film na nagawa ni Rhian Ramos. Nineteen years old pa lang daw siya nu’ng gawin niya ito at nauna pa ito sa Silong kung saan nakasama niya si Piolo Pascual. Ginagawa pa raw nila noon ni TJ Trinidad ang Zorro, nang sabihan siyang subukang mag-audition sa indie. Ang akala raw niya, hindi na ito maipapalabas kaya tuwang-tuwa siya nang mabalitaang pasok ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Sana raw pagkatapos ng MMFF, maiba na ang pananaw natin sa mga indie film at magkakaroon na ito ng puwang sa ating movie industry, na parehong tangkilikin tulad ng mainstream films. “Hindi ko alam kung may tamang panahon ba talaga para sa indie o may maling panahon. Pero sa tingin ko hindi mo naman kailangan din pumili ng isa lang, na porke’t December nasa team indie ka lang o tamang mainstream. Puwede naman tayo manood ng parehas,” pahayag ng bida ng Saving Sally.

PAK: Likas na maldita raw talaga ang magandang young actress. Irita pala sa kanya ang tatay ng young actor na leading man niya dahil parang inaapi nito ang anak niya. Mukhang sila na kasi kahit hindi naman nila inaamin. Kapag maganda raw kasi at nakakakilig ang eksena ng young actor sa isang young actress, naiirita ang malditang young actress at kaagad na sinisita ang young actor. Hinahayaan na lang daw ng young actor ang pagseselos niya dahil wala naman daw talagang basehan. Pero ang ikinairita ng magulang ng young actor, nakakarating sa kaalaman nilang sinasaktan ng young actress ang kanilang anak. Minsan daw kapag sinisita ng young actress ang anak nila, sinasampal daw niya ito o ‘di kaya ay binabatukan. Pinapalagpas na lang daw ito ng young actor dahil mahal naman niya ang leading lady na young actress.

BOOM: Excited si AiAi delas Alas sa darating na Pasko dahil darating daw ang mga anak niya na naka-base sa Amerika. Magiging kumpleto sila ngayon, at iba na raw ngayon dahil nakikita niyang napaka-independent na ng mga anak niya. “Ngayon ko na-realize na settled na pala silang lahat. Ako na lang ang hindi,” natatawa niyang pahayag. Mixed feelings daw siya nang makita niyang hindi na ganun ka-dependent sa kanya ang mga anak at kaya na nilang mabuhay na wala ang suporta niya. “Masaya na malungkot din.

“Masaya ako kasi alam ko na anytime na mawala ako, kaya nila. Malungkot na malalaki na sila, wala na pala akong baby,” pahayag ng Kapuso Comedy Queen sa contract signing ng bagong endorsement niyang Natural Blend na kape.

Kaya sa taong 2017, sarili na raw niya ang iisipin. Magbibiyahe na raw siya nang magbibiyahe. Karamihan daw kasi sa mga biyahe niya sa ibang bansa ay trabaho. Ngayon daw ay bakasyon na talaga para magkaroon ng panahon sa sarili kasama ang partner niya sa buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with