^

PSN Showbiz

Dingdong naudlot ang biyahe sa Spain!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Dingdong naudlot ang biyahe sa Spain!

Dingdong Dantes

Ngiti at kindat ang initial reaction ni Dingdong Dantes nang tanungin namin sa balitang extended ang Alyas Robin Hood. Later on, nabanggit nitong baka hanggang February 2017 pa sila. Nabanggit din ni Dingdong na hindi niya na-foresee ang warm reception ng audience at maraming factors kung bakit ito tinangkilik.

Isa sa nakitang rason ni Dingdong ay 100 percent dedication ng lahat ng involved sa Alyas Robin Hood. Hindi raw magiging successful ang action series kung 50 percent lang ang kanilang ibibigay na trabaho. “Matagal na ako sa GMA Network and on my 18th year, ‘di ko akalain na may darating na ganitong show. Sobrang bagal ang first part ng taon ko  at akala ko, matatapos ang 2016 na mabagal pa rin at magbabantay lang ako kay Letizia. Hindi ko ini-expect na magiging hectic ang late part ng taon ko at ang Christmas,” wika ni Dingdong na kita sa mukha ang tuwa.

Dahil sa extension ng Alyas Robin Hood, walang Christmas break si Dingdong, tuluy-tuloy ang taping nila. Hindi rin matutuloy ang unang balak nila ni Marian Rivera na lumipad sa Spain para dalhin si Zia sa lolo nito.  

Feeling lucky pala si Dingdong kina Megan Young at Andrea Torres na leading ladies niya sa Alyas Robin Hood. Napakahusay ng dalawa, lalo na sa eksenang face off na pareho silang naka-two-piece swimsuit.

Hindi naniniwala si Dingdong na may fans sila ni Marian na nagse­selos sa kapareha niya, lalo na kay Andrea. Wala raw siyang nakakausap at nakakasalamuha at sinasabing nagseselos sila.

Bukod sa mataas na ratings ng Alyas Robin Hood, box-office hit din ang The Unmarried Wife mo­vie tampok sila nina Paulo Avelino at Angelica Panganiban. Kahapon, may meeting si Dingdong sa Star Cinema for another movie.

Bukod dito, may binanggit pa si Dingdong na ibang projects. Nang tanungin kung totoo ang tsikang may movie silang gagawin ni Jennylyn Mercado, ngumiti lang si Dingdong at hindi nag-yes or no.

“Definitely I have a new projects, two of them self-produced under Agosto Dos Pictures,” sabi ni Ding­dong.

Nang tanungin kung ibabalik niya ang Tiktik series, ang sabi lang, ‘pag Tiktik, ang Agosto Dos at Reality Entertainment ang nagpoprodyus. Nang itanong kung si Erik Matti pa rin ba ang magdidirek, tinanong ito kung bati na sila? “Nagkausap na kami,” ang sagot ni Dingdong.

“Wala akong idineklara publicly na away namin. Basta, nag-usap na kami, matagal na,” sabi uli ni Dingdong.

Andrea dedma sa selos ni Marian

Si Andrea Torres ang tinanong na­min sa blind item na dumalaw si Ma­rian sa taping ng Alyas Robin Hood. Kinausap daw siya nito at ang sabi pa, nagseselos ito sa kissing scene nila ni Dingdong lalo’t madalas, sexy ang mga suot niya.

“Hindi totoo na kinausap niya ako dahil nang dumating siya sa set, wala pa ako. Late call ako that time at ikinuwento na lang sa akin na dala niya ang baby niya. Hindi kami nagkita sa set. Wala talaga akong alam sa isyung ‘yan. Imposibleng mangyari na magkaroon kami ng isyu dahil ang taas ng tingin ko sa kanya. Sobrang imposibleng magkaroon kami ng friction.”

Nabanggit ni Andrea na Ate-Atehan niya si Ma­rian at Kuya-Kuyahan niya si Dingdong. Kay Dingdong pa nga niya ipinapadala ang food na ibinibigay niya dati kay Marian gaya ng polvoron at bread pudding.

Komportable siyang katrabaho si Dingdong dahil never ipinaramdam na big star siya, kaya nagre-relax siya at ginagawa lang ang eksena niya. Alam niyang happy for her si Marian na sa first primetime show niya ay katrabaho niya si Dingdong.

Natutuwa si Andrea sa Alyas Robin Hood dahil hindi na lang sexy star ang tingin sa kanya, action star din dahil sa stunts at fight scenes na ginagawa niya. 

Kinumusta namin ang love life ni Andrea at sa sagot nitong single siya na sinundan ng iling at facial expression. Parang break na sila ni Sef Cadayona. Hindi kami naniwala sa paulit-ulit nitong sabi na ne­ver naging sila lalo’t humirit ng “friends pa rin kami.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with