^

PSN Showbiz

Mga kandidata ng Miss U nasa ‘Pinas na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga kandidata ng Miss U nasa �Pinas na!

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

Dumating kahapon sa Pilipinas si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil kailangan ang presence niya sa grand kick off bukas ng 65th Miss Universe sa Conrad Hotel.

Sampung kandidata ng Miss Universe 2016, kabilang ang Philippine bet na si Maxine Medina, ang makakasama ni Pia sa grand kick off.

Ngayon darating sa bansa ang siyam na Miss Universe official candidates na dadalo sa bonggang event bukas.

AiAi kasado na ang pagbisita sa China

Natural  Blend Coffee ang name ng organic coffee na new endorsement ni AiAi delas Alas.

Pinuntahan ko ang pictorial ni AiAi sa studio ni Edward dela Cuesta para sa Natural Blend Coffee at naaliw ako dahil bukod sa pa-kape, may pa-tinapay pa siya na mula sa bakery niya, ang Panadera Queen.

Blessed na blessed talaga si AiAi dahil matapos tumanggap ng Papal Award, may dumating na bagong endorsement at ito nga ang Natural Blend Coffee na hindi nakakanerbyos inumin.

Walang pelikula si AiAi sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF)  dahil hindi naman isinali ng Regal Entertainment, Inc. ang pelikula niya na The Mighty Yaya.

Pero may mga nagsabi na kung ipinasok sa  film festival ang The Mighty Yaya, tiyak na  mapipili ito dahil maganda ang pelikula at mahusay ang direksyon ni Joey Reyes.

Heartwarming ang sabi ni AiAi tungkol sa The Mighty Yaya na pambata at isang family movie.

Definitely, sa susunod na taon na ang playdate ng pelikula ni AiAi na tunay na de-kalidad at dapat abangan ng moviegoers.

At kung hindi ko pa nakakuwentuhan si AiAi sa pictorial ng Natural Blend Coffee, hindi ko malalaman na bukas na pala ang Shanghai Disneyland.

Kasado na ang plano ni AiAi na pumunta sa China  dahil gusto niya na ipasyal sa Shanghai Disneyland ang kanyang youngest son na si Seth.

May Tokyo Disneyland at Hong Kong Disneyland pero for a change, gusto niya na makita nang personal ang Shanghai Disneyland, kahit may mga sari-saring kuwento tungkol sa mga Chinese na namamasyal doon.

Heart naluluha tuwing makikita ang ipinagagawang bahay

Hindi pa tapos ang bahay na ipinagagawa ni Heart Evangelista sa New Manila pero sandali na lang ang ipaghihintay niya para makalipat sila ni Senator Chiz Escudero sa kanilang dream house.

Hindi mapigilan ni Heart ang mapaiyak kapag nakikita ang malapit nang matapos na construction ng bahay niya na produkto ng kanyang mga pinaghirapan sa showbiz.

Kahit sino naman ang nasa katayuan ni Heart, talagang magiging maligaya ang pakiramdam kapag nabuo ang kanyang pinag-ipunan at pangarap na tahanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with