^

PSN Showbiz

Kapamilya hindi naubusan ng sorpresa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang ABS-CBN ang kauna-unahang nagbigay ng early Christmas party for the entertainment media na ginanap sa Dolphy Theater nung nakaraang Martes ng gabi, December 6.

Taun-taon ay parating nagbibigay ng sorpresa ang Kapamilya Network sa mga taga-entertainment media.  This year, ipinasubok ng TV network ang maging participant sa well-followed segment ng kanilang noontime show na It’s Showtime, ang Tawag ng Tanghalan by choosing  four among the entertainment writers as contestants.  Tumayo namang mga hurado sina Erik Santos at dalawang GMA transferees na sina Kyla at Jaya kung saan ang press photographer na si Noel Orsal ang nananlo.

Ipinasubok din ng Kapamilya Network ang Family Feud game show hosted by Luis Manzano at ang grupo ni Maricris Nicasio ang nakapag-uwi ng premyo.

Kahit hindi mga professional singers and performers ang mga TV and radio anchors/reporters na sina Doris Bigornia, Winnie Cordero, Mark Logan at Gus Abelgas ay nagbigay-aliw sila ng gabing `yon sa kanilang production number ganundin ang pitong grand finalists ng Pinoy Boy Band Superstars plus other numbers at pa-raffle ng mga premyo.

Over all, naging masaya ang kabuuan ng Christmas party for the entertainment media ng Kapamilya Network na dinaluhan din ng ilang TV executives ng TV network sa pangunguna ni Ms. Cory Vidanes.

Zsa Zsa at Eric matibay ang relasyon

Ang actor-director na si Eric Quizon ay isa sa pinaka-close sa Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, ang longest partner ng kanyang namayapang ama, ang comedy king na si Dolphy.

Kahit matagal nang wala si Dolphy, tuloy pa rin ang komunikasyon ni Eric sa kanyang naging step-mom for over two decades at nanatili silang close na magkaibigan hanggang ngayon.

Masaya si Eric na muling nagkabalikan sina Zsa Zsa at ang nakahiwalay nilang arkitekto na si Conrad Onglao pero hindi umano siya privy pagdating sa relasyon ng dalawa.  Ang importante kay Eric ay maging masaya si Zsa Zsa sa bagong buhay nito lalo pa’t matagal nang wala ang kanyang amang si Dolphy na talagang minahal at pinagsilbihan nang husto ni Zsa Zsa.

Kung gusto umano nina Zsa Zsa at Conrad na maging pribado sa kanilang relasyon ay prerogative umano nila ito lalo pa’t hindi naman taga-showbiz si Conrad.

Samantala, permanent resident na pala si Eric sa Hong Kong kaya kung wala itong ginagawang project sa Pilipinas ay sa Hong Kong siya naglalagi dahil abala siya roon sa pag-o-organize at pagdidirek ng iba’t ibang events.

Sa ngayon ay pa­balik-balik siya ng Pilipinas dahil ginawa niya ang pelikulang Mano Po 7: Chinoy na sho­wing na sa mga sinehan ngayong December 14 at meron siyang bagong travel show na na siya ang director, ang Happy Life na magsisimula this coming Sunday, December 11, 9:30 a.m. sa GMA News TV.

Bilang actor/director, nalungkot din si Eric na hindi nakapasok ang ilang mainstream movies sa 2016 Metro Manila Film Festival at kasama na rito ang Mano Po 7: Chinoy ng Regal Films.

“Ang sa akin lang, nasanay na kasi ang Filipino audience sa mga pelikulang nagki-cater sa mga bata at pamilya, pero since may mga bagong ruling ang MMFF, we just have to respect it.  Tingnan na lamang natin siguro kung ano ang kalalabasan ng MMFF this year.  Baka naman tama sila,” pahayag ni Eric na tila may agam-agam din sa magiging resulta sa takilya ng mga kalahok sa MMFF.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with